17th

1K 28 2
                                        

17th

Sandali muna akong natulala bago lumakad pabalik sa banyo. Nadatnan ko silang hindi na magkakayakap at si Veron ay hindi na umiiyak pero mugto ang mata n'ya ng sobra.

"Saan ka galing, Arah?" tanong ni Ahlia sa akin.

"Si mommy, tumawag, pinapauwi na ako." pagsisinungaling ko.

"Patulog sa inyo, bes." mahinang sabi ni Veron. Nanlaki ang mata ko at napalunok ako sa gulat.

"Pero kung hindi pwede, ayos lang–"

"Syempre pwede!"

Nilapitan ko s'ya at hinawakan sa kamay. Humawak din si Ahlia sa akin at sa kabila naman ni Veron ay humawak si Daisy. Naglakad kami palabas ng banyo at nagmartsa papuntang gate para doon sumakay ng tric.

Wala na nga akong nagawa kun'di isama si Veron sa bahay. Habang tumatawag s'ya sa mama n'ya para magpaalam, ay s'ya namang simple ko ng text kay Tristan. I said sorry that I couldn't meet him because Veron needs me and I cannot say no to Veron, not tonight.

Veron always invests so much feelings kapag may gusto s'yang lalaki. Sa aming magkakaibigan, she seems one of the toughest dahil sa kilos at pananalita n'ya sa panlabas but deep inside, she's the most fragile one. She loves so much, she doesn't hesitate to give her all, that's why she always ends up hurting.

"Actually narinig ko naman na talaga na may nililigawan s'ya, kaso, nagbulagbulagan ako kasi masaya ako sa kan'ya eh."

Nilapitan ko s'ya dahil sa sinabi n'yang 'yon. Nangingilid na naman ang luha n'ya. Gusto kong sabihin na lalaki lang 'yun, huwag n'ya nang iyakan, walang kwenta 'yon, move-on nalang s'ya, but I know that it will not help her at all. Kaya naman niyakap ko nalang s'ya ulit at hinayaang umiyak.

We spent our night watching a movie na guwapo ang bida. Tapos ay napagtripan naman namin na mag Omegle para makipag-chat sa kung sinu-sino at mang trip at makipaglandian. 2am na yata kami nakatulog. Kaloka, landi pa more.

Kinabukasan ay maaga akong nagising to see if Tristan replied to me and he did. Agad ko iyong binuksan.

From Crush:
It's okay. I understand. Thank you.

"Shit." bulong ko sa sarili. I feel horrible. First time nangyari na sinadya ako ni Tristan sa school because he needed me tapos ay wala ako. Nakaka stress.

I tried calling him but his phone was off now. Lalo tuloy akong hindi mapakali. But I gave him time. I waited hanggang tanghali pero wala pa rin s'yang paramdam and his phone was still off kapag tinatawagan ko.

"Arah! Huy!" Napukaw ni Daisy ang atensyon ko. Kanina pa pala nila ako tinatawag. Tulala daw ako at kanina pa wala sa sarili.

"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa panghaharana sa'yo ni Karl?" ngumisi si Daisy. Nag-make face lang ako sa kan'ya.

"Nakakakilig nga si Karl, Arah. Bagay na bagay talaga kayo. Buti ka pa, happy ang love life. Si Veron natin, kawawa naman."

Napairap nalang ako sa sinabi ni Ahlia. Mahabaging langit, feeling talaga nila kami ni Karl? Hay, nako.

"Sana hindi maapektuhan ang performance ni Veron mamaya dahil broken hearted s'ya." sabi naman ni Daisy. Napabuntong hininga nalang ako. Mamaya na kasi ang Cheering Competition nina Veron. Nakakaloka diba? Ang galing ng timing ng panggagago ni Evan? Sarap putulan.

Nang maghapon na ay dun nalang namin nakita si Veron. Nakaayos na ang ready na para sa nalalapit na laban nila. Their uniform looked cute on her. Nailabas din lalo ng ayos at make-up n'ya ang ganda n'ya.

Bitter Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon