23rd

1.6K 46 31
                                    

23rd

"Chinsella!" sigaw ni Theo nang makita ang pamangkin ko. Tuwang-tuwa ito at maganda ang mga ngiti. Naghawak pa sila ng kamay.

"Hello, Tito Tristan." kumaway si Chinchin kay Tristan at ngumiti si Tristan kay Chinchin. Halos lumuwa ang mata ko sa panlalaki.

Oh my gosh, may anak na si Tristan! Totoo ba 'to?!

"This is my Tita Arah, Theo." tinuro ako ni Chinchin at tiningala ako ni Theo habang nakangiti ito ng maganda sa akin.

Doon na tila nasagot ang mga katanungan ko dahil kamukhang-kamukha s'ya ni Tristan... anak nga talaga s'ya ni Tristan. Walang duda.

Ibigsabihin may asawa na nga s'ya. May pamilya na s'ya. Napalunok ako at tila nakaramdam ng panlulumo.

"Tita Arah!" napakurap-kurap ako nang sigawan ako ni Chinchin. "Theo is saying hi!" Chinchin pouted.

Muli akong napatingin kay Theo na ngayon ay nakangiti pa rin sa akin. "H-hi, Theo, nice to meet you." ngumiti ako ng peke.

"Nice to meet you too, Tita Arah." malambing na sabi nito.

Tita Arah... Tita Arah na lang ako ng anak ni Tristan. Ang lalaking dating pinangarap kong magiging tatay ng magiging mga anak ko, may ibang pamilya na. Shit, bakit parang ang sakit? Naka-move on na ako, diba? Bakit ako nasasaktan ngayon? O baka naiinggit lang ako, diba? Kasi, ako, wala pa eh. Pero malamang, matanda na si Tristan, mauuna talaga s'ya sa'kin. Kalma, Arah, kalma ka lang. Naka-move on ka na, okay?

"Tita Arah!" muli akong napatingin kay Chinchin nang bigla na naman itong sumigaw, iritado na ang mukha nito sa akin.

"Say hi to Tito Tristan too!" Chinchin rolled her eyes. Napatingin ako kay Tristan. Walang emosyon ang mukha nito.

"He is my Daddy Tristan, Tita Arah." nakangiting sabi ni Theo.

"Hi, Daddy—I mean, Tristan."

Narinig kong nagtawanan sina Chinchin at Theo. "Your Tita Arah is weird." sabi nito. Si Chinchin ay nakatinging parang nandidiri sa akin habang tumatango kay Theo.

"Let's go, kids, you'll be late." sa sinabi ni Tristan na 'yon ay nagtanguan ang dalawang bata. Naglakad sila ng magkahawak ang kamay habang nasa likod nila kami ni Tristan.

I can smell him kahit isang metro ang layo n'ya sa akin. He smells the same, my most favorite scent. Gusto ko biglang umiyak dahil naalala ko ang mga panahong kami pa at sa akin pa s'ya. Shit, naman bakit ganito ako bigla!? Okay ka na, Arah, diba? Bakit ka nasasaktan ngayon d'yan? Malamang he is 30 years old now, he is married now! What do you expect!?

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at umarte ng normal nang nagpaalam na kami ni Tristan kina Chinchin at Theo. Mabilis akong naglakad paalis at hindi na muling tinignan pa s'ya.


Seeing Tristan again really affected me and it's not in a good way. Ilang araw akong lutang at madalas na mairita. Hindi ko maintindihan ang sarili ko because I am pretty sure I have moved on pero bakit naman biglang ganito ulit?

"When is mommy and daddy coming home, lola? I miss mommy and daddy, lola." kasalukuyan kaming kumakain ng dinner nang sabihin iyon ni Chinchin. 4 days na s'ya sa amin.

"They'll be back soon, my love." nakangiting sagot ni mommy.

Tumamlay si Chinchin nang gabing 'yon. Naawa ako kaya inuuto-uto ko.

"I'm like Theo." sabi nito bigla. Nagulat ako doon.

"Why?" sinuklay ko ng kamay ang buhok n'ya.

"He has no mommy. Me, no mommy and no daddy. I'm kawawa." Chinchin pouted.

Bitter Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon