12thFor the first time in my life... I realized... may hiya pala ako! Damn, I can feel my hands sweating and my face feels so warm! Lalo pa dahil sa mga titig n'yang makalaglag panty at makapigtal bra! Kahit may sakit, still very nakakaakit! How to be yours ba kasi, Tristan? Hays!
"Quin? Are you okay?" Napakurap-kurap ako at napalunok nang makuha ni Tristan ang atensyon ko.
Punyeta! Ga'no katagal ko s'yang tinitigan na para akong isang asong sabik sa malaking hotdog? I mean, buto. Buto pala. Focus, Arah!
"I-I am. You're not." I raised my chin, trying to look brave kahit ang totoo ay nauutal naman. Hay, nako, Arah!
"I'm fine. It's just a mild flu." he smiled.
"Okay." kunwaring patay malisya kong sagot kahit deep inside gusto ko s'yang bigyan ng yakapsul at kisspirin. Char!
"So... let's talk?" Seryoso na ngayon ang mukha n'ya kaya bumalik ang kaba ko at mas nadoble pa.
Ito na ba 'yon? Sasabihin na n'yang hindi n'ya ako gusto at itigil ko na ang nararamdaman ko para sa kan'ya? Bakit wala pa, pero parang ang sakit na? Ayaw ko ng ganito!
"Quin, I–"
"Ah! Oo!" I cut him off. Tumangu-tango ako sabay tawa ng peke. "Ikaw 'yung tumawag na akala ko si Elias? Sorry, lasing lang kaya medyo natanga!" I laughed again. "I was just lying, Trist. I used your name just so he would stop bothering me. I hope you don't mind." I smiled fakely habang nagdarasal na sana ay hindi n'ya mahalata. I don't want to look stupid in front of him. Hindi ko kaya. This is the best option I have–to lie.
Alam kong maharot ako, maingay, at makapal ang mukha, pero ayaw ko sa lahat ay 'yung magmumukha akong kaawa-awa na namamalimos ng atensyon sa iba. Hindi kaya ng pride ko na ako pa ang ma-basted. I may look tough on the outside but the truth is, I can't face failure and rejection. So, I run from it.
Napakurap-kurap si Tristan. Tila hindi inasahan ang sinabi ko. Pero agad din s'yang nakabawi at saka mabilis na ngumiti ng tipid. "Right. Okay." sabi nito sabay tango.
"Effective nga eh. Thanks ah." dagdag ko pa sabay ngiti ulit ng peke. Pero agad ding nawala iyon nang madako ang mga mata ko sa cabinet n'ya at mapansing may dalawang malaking duffle bag doon na mukhang puno ng mga damit ang loob.
"You're... leaving?" gulat na sabi ko at saka mabilis s'yang tinignan.
Tumango s'ya. "Oo."
Napalunok ako. I knew that time would come and he has to go back home. Bacoor may not be that far from Indang but still, kapag naroon na s'ya, mas liliit na ang tyansa na magkita kaming ulit... or worst, fate will not let us meet again.
Aalis na pala s'ya. So, kung hindi pa pala ako nag-effort na makapag-usap kami ngayon, hindi na pala kami magkikita at all dahil uuwi s'ya nang hindi ako nakakausap? I mean, I know na hindi ko s'ya ni-replyan sa mga messages n'ya no'n pero sana manlang nangulit s'ya diba? If bet n'ya talaga akong kausapin?
Fine! Maybe this is for the best. Kapag wala na s'ya, mabilis akong makaka-move on. Magpapasukan na rin naman. I'll busy myself at school and I'll meet new friends... new crush. Bagong mundo, bagong landi. Good bye, Tristan! Tse!
"Hey," Tristan caught my attention again at nagulat nalang ako na nakatayo na s'ya at naglalakad papalapit sa akin. Seryoso ang mukha kaya hindi ko mabasa kung anong nasa isip n'ya.
"Alis na 'ko." mabilis kong sabi at agad tumayo. Dahil nasa harap ko na s'ya ay agad akong umiwas at naglakad palabas ng kuwarto. Dali-dali din akong bumaba ng hagdan pero hindi pa ako nakakakalahati ng hakbang ay bigla na n'yang hinawakan ang braso ko kaya napahinto ako.

BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...