13th

1.3K 33 3
                                    


13th

Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng bahay namin ay hindi ko na napigilang mapasalampak sa sahig dahil sa sobrang kilig. Lahat ng nangyari ay pilit kong inaalala dahil hanggang ngayon ay pakiramdam ko'y nananaginip pa rin ako.

Alam ko naman, hindi pa rin ako sigurado sa tunay na pakay sa akin ni Tristan. Pero hindi ako manhid at lalong hindi ako shunga para hindi malaman ang dahilan kung bakit n'ya ako inalok ng date bukas.

Finally!!! Akala ko wa' epek ang ganda ko kay Tristan eh! Hagipan na akong sumuko du'n ah? Buti nalang strong ako at makapal ang mukha. Totoo nga talaga ang kasabihan, 'kung may tiyaga, may jowa'!

Naligo ako at naghanda sa pagtulog. Saktong paghiga ko ng kama ay nakatanggap ako bigla ng text mula sa kan'ya.

From: Tristan ♥️
I'm home. Good night, Quin. See you tomorrow.

LUUUUH! Mga kapitbahay, may pag-update na po s'ya sa'kin, OMG!!!

Sa sobrang kilig ko ay nalaglag pa ang cellphone ko sa mukha. Pero imbes na indahin ang sakit ay tumawa pa ako ng tumawa na parang nasiraan ng bait.

To: Tristan ♥️
Salamat sa paghatid. Good night din sayo. Sweet dreams.

Hinalik-halikan ko ang screen ng cellphone ko matapos kong ma-isend ang reply ko kay Tristan. Tapos ay niyakap ko iyon sa aking dibdib at saka pumikit.

Sana magtagpo ulit kami sa mga panaginip namin para kahit tulog, tuloy ang harot!

Hinihila na ako ng antok nang biglang magring ang cellphone ko. Dali-dali ko iyong kinuha mula sa bedside table sa pag-aakalang si Tristan iyon. Kaso, si Daisy pala.

Agad akong kinabahan. Shit! Why is she calling me? Hindi kaya nalaman na n'ya? OMG OMG OMG! Ang pangalawa sa pinaka kinatatakutan kong bunganga, sunod sa mommy ko, ay ang kay Daisy! Kaya hindi n'ya pwedeng malaman ang mga kalandian ko kanina lalo pa't hindi pa naman s'ya boto kay Tristan. 'Pag nagkataon, mata ko lang ang walang talsik na laway galing sa mala-armalite n'yang bunganga!

"Hello, mana–"

"Arah! Bestfriend ko!" Sinalubong ako ng ngumangalngal na si Veron. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Huy! Bakit ka ngumangawa d'yan? Natutulog na ako eh." Humikab pa ako kunwari para convincing. Talagang pinarinig ko pa ang ungol ko sa kan'ya.

"Hay nako, Arah. Pagbigyan mo na. Hindi s'ya titigil hangga't hindi ka n'ya nakakausap." biglang singit ni Daisy. Mukhang naka-loudspeaker pala ang phone.

"Arah, si Tristan niloloko ka n'ya!" sigaw na naman ng baliw na si Veron. Pinigilan ko ang tawa ko.

"Veronica, ilang beses ko bang sasabihin sa'yong hindi naman n'ya niloloko si Arah dahil hindi naman sila!?" bulyaw naman ngayon ni Daisy.

"Shut up, Dais! Hindi mo kami naiitindihan dahil pusong bato ka! Hindi mo alam ang feeling kapag hindi ka crush ng crush mo tapos may crush pa s'yang iba tapos 'yung crush n'ya crush din s'ya! It really hurts!"

"Maigi nang pusong bato kesa pusong bobo! Ano, honor student ako tapos babagsak lang ako sa maling tao? 'Di na uy!" Narinig ko ang tawa ni Ahlia dahil sa balitaktakan ng dalawa. Natawa nalang din ako sa kanila.

"Veron, tama si Daisy. Huwag kang parang naka-drugs d'yan, 'nyeta ka! Lasing ka lang, hindi ka sabog!" sabay tawa ko.

"Sorry kung nagkakaganito ako, Arah. Talagang naiinis lang ako dahil sinaktan ka n'ya! Kalimutan mo na s'ya, ha? Wala s'yang karapatang saktan ka! Puson lang ang may karapatang manakit ng babae, tandaan mo 'yan!"

Bitter Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon