18th

975 26 2
                                    

18th

Buong lunch namin ni Tristan ay hindi na ako mapalagay. Hindi ko alam ang gagawin kung paano ipapaliwanag kay Veron kung bakit ako nawala at saan ako nagpunta. Nakakastress!

Sa huli, inisip kong aminin nalang ang lahat sa kanila. Sana lang hindi sila lalong magalit sa akin at baka itakwil na nila ako sa tropahan. My gosh! Hindi ko kakayanin.

Nagpaalam ako kay Tristan na uuwi na ako after our lunch. Nalungkot s'ya doon dahil akala n'ya ay mamaya pa akong hapon uuwi, pero gusto kong puntahan si Veron kaya pinagsawalang bahala ko ang lungkot n'ya.

Hinatid ako ni Tristan. Sabi ko nga 'wag nalang pero he insisted. Nagpasama na rin tuloy ako sa kan'yang bumili ng cakes and balloons for Veron. I even bought a new sneakers for her na magagamit n'ya for her practice as a gift. Tristan insisted to pay for everything. Hinayaan ko nalang.

When I arrived at Veron's house ay excited akong kumatok sa gate nila dala ang mga regalo ko sa kan'ya. Lumabas ang bunsong kapatid n'yang si Valerie na na sinalubong ako ng yakap.

"Hey, Val! Ate mo?"

"Wala naman dito, Ate Arah." ngumuso si Valerie. Nanlumo ako dahil doon. Nasaan kaya s'ya?

Sinubukan kong tawagan si Veron pero nakapatay ang phone nito. Sunod kong tinawagan si Ahlia pero hindi naman sumasagot. Ganoon din si Daisy. Lalo akong nanghina.

Dahil wala na si Tristan ay tumawag ako ng tricycle. Nagpahatid ako kila Ahlia pero maging doon ay wala sila. Sunod ay pinuntahan ko ang bahay ni Daisy at gano'n din. Ibigsabihin nito posibleng magkakasama sila. Hindi nila ako sinabihan. Mas nakumpirma ko ang tampo nila sa akin dahil doon.

Dahil hindi ko alam ang gagawin ay umuwi nalang ako sa bahay na bigo. Nagbukas ako ng Facebook at doon tinignan baka may post manlang sila, pero wala rin talaga.

Tinawagan ko nalang si Karl. Hindi ako mapalagay at kailangan ko ng makakausap. Ayaw ko namang abalahin ang nagluluksang si Tristan kaya si Karl nalang ang kinulit ko.

"Karl, anong gagawin ko?"

"Kain kang bubog." sagot ng gago sabay tawa.

"Letse ka!" minura ko pa ng minura. Kakainis walang pakinabang. 10 minutes ko na ata s'yang kausap sa phone pero wala talaga s'yang naitulong sa'kin.

Kinabukasan ay sinubukan ko ulit pumunta sa bahay nila Veron. Maaga ako para siguradong madatnan ko s'ya pero sabi ni Valerie ay maaga din daw umalis. Gusto kong maiyak noon. Kahit kasi anong tawag ko sa kanilang tatlo ay wala talaga.

Buong maghapon ng Linggo na iyon ay wala tuloy ako sa sarili. Hindi ko na rin mareplyan ng maayos si Tristan sa tuwing may text s'ya sa'kin dahil sa sobrang stressed na talaga ako.

Nang mag Lunes ay maaga akong gumising para puntahan si Veron ulit sa bahay nila. Nag-tric ako at inantay ko s'yang lumabas sa gate nila at nang mamataan ko ito ay agad ko itong nilapitan.

"Hello, champ!" sigaw ko at akmang yayakapin s'ya pero lumayo ito sa akin.

"Saan si Karl? Himala, hindi mo kasama?" mapait na sagot nito. Parang dinurog ang puso ko.

"Sorry na, Veron, please?" nangilid ang luha ko.

Umiyak si Veron bigla. Naunahan pa ako, ako nga paluha pa lang! Dahil doon ay hinila ko s'ya sa loob ng tricycle.

"Alam mo namang mahalaga sa akin na nanunuod kayong tatlo dahil kayo ang inspirasyon ko eh." sabi nito habang sige pa rin sa pagngawa. Hindi ko alam ang isasagot.

Bitter Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon