15th"Juan Karlos Vargas?"
Mabilis akong napalingon kay Karl nang i-announce ng masungit na Prof namin ang buong pangalan n'ya dahil nagtatawag ito para sa attendance.
"Present, ma'am." sagot nito at saka ako nilingon at nginitian.
"Arah Quincel Villavicencio?"
Binalik ko ang mga mata ko sa aming guro at saka sinagot ito. "Here, miss." Tumango ito sa akin at nagpatuloy sa pagtatawag sa ibang estudyante.
"Nice to meet you, Arah."
Muli kong binalingan si Karl na maganda pa rin ang ngiti sa akin. Ang landi ng lintik na 'to!
Nginitian ko s'ya ng peke. "Huwag ako ang landiin mo, Juan Karlos. Hindi ako tulad ng inaakala mo. Papunta ka palang, pa-tumbling-tumbling na 'ko pabalik."
Nagpigil ng tawa ang loko. Kumunot ang noo ko at agad ko s'yang tinaasan ng kilay. Nakita n'ya ang reaksyon ko pero imbes na matinag, napakagat pa ito ng labi para mas mapigilan ang tawa n'ya.
"Nai-imagine ko kasi 'yung sinabi mo, sorry." paliwanag nito nang medyo mahimasmasan. Hindi ko agad iyon na-gets kaya naman kumunot pa lalo ang kunot kong noo.
"Nai-imagine ko na tuma-tumbling-tumbling ka pabalik." paglilinaw nito na muli na namang nagpigil ng tawa.
Mabilis tuloy pumasok sa isip ko ang sinabi n'ya at naimagine ko rin tuloy na tuma-tumbling-tumbling ako, punyeta, mukha nga akong gago!
"Oh, diba?" sabi nito nang makitang nagpipigil na rin ako ng tawa.
"Tang... mo." matigas kong sabi habang nagpipigil-tawa pa rin.
"Bakit kasi hindi ka nalang maglakad pabalik? Bakit kailangan mo pang mag-tumbling?"
Sa sinabi n'yang 'yon ay tuluyan nang kumawala ang tawang pilit kong pinipigilan. I created a pig-like noise that brought everyone's attention to me. At para isalba ang sarili ko, agad ko iyong sinundan ng malakas at OA na ubo.
"Are you okay there?" kunot-noong tanong ng Prof namin. Sunud-sunod ang pagtango ko habang kunwari ay nauubo pa rin ng kaunti.
Hindi ko na kinausap si Karl matapos ang nakakahiyang insidente na 'yon. Baka mamaya lamunin ako ng buhay ng masungit naming Prof kapag first day na first day eh puro ako daldal.
Nang matapos ang unang klase namin ay doon ko pa lang muling tinignan ang cellphone ko sa pag-aakalang may iniwang message si Tristan pero nainis ako lalo dahil wala. Bakit gano'n, alam naman n'yang naiinis ako sa kan'ya, ni hindi manlang mag-effort na mag-sorry? Hmp!
Nang magtungo sa susunod na room namin ay nagulat si Karl nang tumabi ako sa kan'ya. Manghang-mangha ang mukha nito kaya natawa ako.
"Friends na ba tayo n'yan?" mayabang at nakangisi n'yang sabi.
"Oo, pero to be clear, hindi pa rin kita type dahil dumi ka pa rin sa kuko ng jowa ko kahit warla kami ngayon." kunwaring mataray kong sabi kaya naman natawa s'ya.
"Hindi daw type pero ninanakawan ng picture?" mayabang na sabi nito na nagpatawa naman sa akin.
At para malinis na ang reputasyon ko sa mga mata ng assumerong malantod na si Karl ay pinaliwanag ko na ng tuluyan sa kan'ya kung anong tunay na nangyari sa jeep. Naniwala naman s'ya at dahil doon ay kinukuha na n'ya ngayon ang number ni Veron. Malupit talaga!
"Kating-kati? Sunggab agad?" naiiling-iling pa ako at sarcastic ang ngiti.
"Bakit? Anong masama? Crush n'ya 'ko diba? Since cute s'ya at single ako, pwede kami." Mayabang na sagot nito.

BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...