14th
Agad akong napadilat na nanlalaki ang mata dahil sa gulat sa sinabi ni Tristan. Hindi ako agad nakasagot kaya naman inulit n'ya ito.
"Pwede ba akong manligaw?" he smiled shyly.
Napalunok ako at unti-unting tumango. "Sinasagot na kita." wala sa sarili kong sabi.
"Ha?" gulat na gulat na sabi ni Tristan.
"Ha?" gulat ding sabi ko.
"Sinasagot mo na 'ko agad?" nanlalaki matang tanong nito.
"Ha?" napakurap-kurap ako.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ni Tristan sabay tumawa ito ng bahagya. Kinurot nito ng mahina ang pisngi ko habang naiiling. Napapikit naman ako sa kahihiyan.
"Let's get out of the water first."
Nagpadala ako kay Tristan nang lumangoy ito pabalik sa yate. Pumanhik kami roon at agad nitong isinuot ang kimono sa akin at saka ako nito inalalayan pabalik sa lounge.
Umupo ako at si Tristan naman ay nagmamadaling kumuha ng tubig. Inabot n'ya iyon sa akin at agad ko naman iyong ininom at inubos. Nangingiti si Tristan habang pinagmamasdan ako.
"Sorry." ngumuso ako. Pa-cute nalang para makabawi sa katangahan ko kanina. Shit, would you believe it? Ako, na may pinaka makapal na mukha, sunod kay Veron kasi syempre mas kapal muks pa rin sa'kin 'yon, lumutang ang utak sa harap ng isang lalaki?
Naloka kasi ako, grabe! Nakakagulat pa rin pala talaga kahit expected mo na. I mean, ramdam ko naman na may gusto na s'ya sa'kin. Pero, grabe, iba pa rin pala talaga kapag nagtapat na s'ya!
"Don't be. It's okay." sagot nito sabay ngiti. Napangiti na din ako at napanatag dahil mukha namang bet n'ya pa rin ako kahit mukha akong tanga kanina.
"Thanks." pabebe kong sabi sabay pungay pa ng mata. Ayan, self, bawi-bawi tayo ng pang-aakit para makalimutan n'ya ang lutang moment natin kanina at maging Diyosa ka ulit sa paningin n'ya.
"So, your real answer is...?" Tinagilid n'ya ang ulo n'ya, nag-aantay ng sagot ko. Muli na namang kumalabog ang puso ko dahil sa pagbabalik n'ya ng tanong but this time, it's tolerable. I can still smile at hindi na ako nanigas. Excited nalang ako at parang naiihi na hindi mapakali!
"Uhm..." I bit my lower lip at nagpabitin.
Sa totoo lang kasi ayaw ko na talaga s'yang manligaw pa. Mamaya bigla pa s'yang maligaw sa iba diba? Very wrong! Gusto ko na rin naman s'ya kaya bakit pa ba ako magpapatumpik-tumpik pa? Isa pa, naniniwala ako na kapag nasa harap mo na ang biyaya, 'wag kang tutunga-tunganga, sunggaban mo na agad! Kaya naman...
"Tayo na nga, Tristan. Tayo na, sinasagot na kita." ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Pero agad nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa biglang pagtawa nito dahil sa sinabi ko. What the fuck?
"Sorry. Sorry." pilit n'yang pinigilan ang tawa pero tumatakas ang ngiti sa mga labi n'ya. Ako naman ay kunot na ang noo dahil medyo nainsulto ako sa reaksyon n'ya.
"Anong nakakatawa?" Inirapan ko s'ya. Nagulat s'ya sa doon kaya nanlaki ng bahagya ang mata n'ya.
"You're... serious? You're not joking?" sabi nito na tila gulat at kabado.
"Ayaw mo yata, edi 'wag. Sige, binabawi ko na, manligaw ka nalang muna. Pagkagraduate ko ng college at nakahanap na ako ng trabaho, saka kita sasagutin kasi strict ang parents ko eh." sarkastiko kong sabi sabay ngiti ng peke. "No holding hands, no hugs, no kiss, kasi hindi pa naman tayo eh, diba?" dagdag ko pa at saka s'ya tinaasan ng isang kilay.
BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...
