9thNatapos ang first quarter na lamang ng lima ang kalaban. Nakakaloka, ang gagaling kasi nila. 'Yung mga kakampi ni Jake at Tristan, supalpal palagi.
Pero in fairness, enjoy din palang manuod ng basketball lalo kapag kakilala mo 'yung naglalaro. Hindi naman kasi talaga ako mahilig manuod sa kahit anong sports or manuod man ako, nakatitig lang ako sa guwapong player at wala talaga akong paki sa game.
Pero iba ngayon kasi syempre supportive girlfriend ang peg ko. Char! Ako na talaga ang reyna ng mga assumera! No'ng naghagis siguro si Lord ng kakapalan ng mukha, may hawak siguro ako batya. Mga sampung piraso.
"Nauuhaw ako. Ikaw? Bili tayo softdrinks?" anyaya sa akin ni Steph.
Tumango ako dahil uhaw na rin kaya naman tumayo s'ya at sinundan ko s'ya. Naglakad kami palabas para magtungo sa sari-sari store na nasa harap lang ng court.
"Ate Chona, isang Coke in can nga po." Binalingan ako ni Steph. "Anong sa'yo?"
"Sprite." sabi ko at tinanguan kami ng tindera. Muli akong bumaling kay Steph. "Hindi ba natin bibilhan sila Jake?" tanong ko rito. Gusto ko kasing bilhan si Tristan. Harot ka, girl?
"Hindi 'yun mahilig si Jake sa softdrinks, eh. Red Horse saka Empi lang kilala no'n." She rolled her eyes and laughed. "Pero si Tristan, sige, bilhan mo rin."
Tumango ako at bumaling ulit sa tindera. "Ate, one more Sprite, please."
"Hi!"
Nilingon namin ang biglang nagsalita sa likod at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Elias.
Luh, ang pogi n'ya nga, lalo na sa malapitan. Maputi at matangkad rin, parang si Tristan. Sayang, 'di na kami pwede.
Pa-mine nalang po sa may gusto mga sis! Unahan nalang po kasi nag-iisa lang 'to. Char!
"Elias." He extended his arm to me for a hand shake at pinagbigyan ko naman s'ya.
"Quin." I smiled.
"Indeed, you are." sabi nito sabay ngiti ulit.
Luh, landi ah? 'Wag ka nga, marupok ako! Char!
"Ayos mga banat natin, ah!" hinampas s'ya ni Stephanie sa braso at saka sila tumawa. Napakamot si Elias sa batok na tila nahihiya. Aww, cutie!
Kukuha sana ako ng pambayad nang pigilan ako ni Steph. "Ako na." sabi n'ya at akmang mag-aabot ng singkwenta pesos sa tindera pero pinigilan s'ya ni Elias.
"Ako na." nakangiting sabi nito kay Steph.
"Wow, edi kung gano'n pala, Ate Chona, padagdag na rin ng Clover." natatawang sabi ni Steph. "Ikaw, Quin, may gusto kang chichirya?"
"Wala, okay na 'to." natatawang sagot ko. Naaaliw sa kakapalan ng mukha ni Steph.
Binayaran nga ni Elias ang mga binili namin. Noong una ay pinipilit ko pang bayaran ko ang akin pero nagpumilit s'ya kaya sa huli ay hinayaan ko nalang s'ya at nagpasalamat nalang ako.
"Ang tangkad mo pala, model ka siguro?" nakangiting tanong ni Elias nang naglalakad na kami pabalik ng court.
"Model ng patis." biro ko na nagpatawa sa kan'ya.
"Nabanggit sa'kin ni Steph na kaibigan ka ni Jake from Indang?" tanong n'ya ulit.
Tumango ako. "Yep, but I live in Tagaytay."
Lumaki ang ngiti n'ya. "Nice! Favorite galaan ko 'yun. Madalas ako do'n."
Tumangu-tango ako. "Ahh."
Nang papasok na kami sa gate ng court ay lumayo ako ng bahagya sa kan'ya para hindi sana kami pag-isipan ng mga tao. Kaso ay lumapit s'ya sa akin ulit. Pinagtitinginan tuloy kami. Lalo ng mga fangirls n'yang mukhang minumura na ako sa isipan nila.
BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...