7th

1.3K 28 0
                                    


7th

Sandali akong natulala sa kalsada habang hindi makapaniwala sa mga nangyari. Binalikan ko sa isip ko ang mga ginawa ko. Mali ako, oo, alam ko. Maling pumatol ako at nasampal ko s'ya ng malakas pero napikon kasi ako eh.

If someone made you question the decisions you make, nakakainis 'yon. Lalo na if they make you feel bad about something na masaya mong ginagawa at alam mo naman sa sarili mo na wala ka namang ginagawang masama.

It's not as if may inapakan akong tao sa pagdadamit ng maigsi? May nainsulto ba ako? Mayroon ba akong nasaktan? May namatay ba dahil ibinalandra ko ang flawless kong long legs? Duh!

This what I'm comfortable of. This is how I express myself. Mali ba talaga iyon?

Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko at nakatingalang nagbuntong-hininga ng ilang beses habang kinakalma ang sarili.

Hay nako! Bakit ba ako magpapaapekto sa kanila? Fuck it! Sabi nga ni Daisy, people will always judge you no matter what you do, so just continue doing what makes you happy at manigas silang lahat sa inggit!

Nagtanong-tanong ako kung saan ang terminal para magcommute nalang sana ako sa pag-uwi. May iba na nag-offer na ihatid ako sa terminal at may iba pang ihahatid daw ako sa bahay pero tinanggihan ko. Kaloka!

Naglakad ako mag-isa papuntang terminal pero ilang sandali lang ay nagulat ako nang huminto ang sasakyan ni Tristan sa gilid ko. Binaba n'ya ang salamin n'ya at sumalubong ang nag-aalala n'yang mukha sa akin. Nagulat pa ako lalo dahil wala sa tabi n'ya si Mariel. Empty ang shotgun.

Shet, ayan na naman dumudugudong na naman ang marupokpok kong puso! Ano? Kilig ka? Kilig ka? Hindi pwede, Arah!

"Quin, sumakay ka na, please."

Napakagat ako sa labi ko sa sinabi ni Tristan.

ENEBEEEE! Kainis naman eh! Pwedeng pakandong? Chaaaar! Punyeta ka, Arah, magpakipot ka naman!

"Hindi na. I can manage. Pakibukas nalang ang trunk para makuha ko 'yung mga pinamili ko." walang emosyon kong sabi, kahit deep inside ay naiihi na ako sa kilig! Kainis!

"Quin, pumunta kami dito nang kasama ka, kaya iuuwi ka rin namin. Maggagabi na." malumanay ulit na sabi ni Tristan.

Sasagot sana ulit ako pero biglang tumalak ang palakang si Mariel na nasa backseat pala.

"Tristan, tara na kasi! Kung ayaw n'ya, huwag mong pilitin! Ang sakit na ng ulo ko, I feel dizzy, I need to rest!"

Napairap ako sa narinig. Tss! Narito pa pala sila. Akala ko kinain na sila ng lupa.

Hindi pinansin ni Tristan si Mariel. Tinagilid nito ang ulo n'ya na parang sinesenyasan akong sumakay na.

Huminga ako ng malalim at saka nagdesisyong sumakay na nga. Tama si Tristan, padilim na at baka mamaya abutin pa ako ng anong oras kapag nag-commute ako.

Pagsakay ko sa kotse ay narinig ko ang pwersadong buntong-hininga ni Mariel.

Galit na galit? Gusto uli manakit? Sorry ka nalang, ateng, pero hindi ako maiwan. So, kapag inggit, pikit!

Naglagay nalang ako ng earphones at nakinig ng music. Pumikit ako at nagpanggap nalang na tulog hanggang sa ang pagpapanggap ko ay natotoo. Nagising nalang ako nang mahinang inaalog ni Tristan ang balikat ko dahil nasa bahay na raw kami.

"Luh!" gulat kong sabi nang matanaw na nga ang bahay namin. Nilingon ko ang backseat at nakita kong wala na ang palakang si Mariel at ang tipaklong na si Seth doon. Nakahinga ako ng maluwag.

Bitter Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon