5th"Manang!"
Sinalubong ko ng yakap ang bestfriend naming si Daisy. Kakauwi lang n'ya dito sa Tagaytay galing sa bakasyon n'ya sa Pampanga. Agad s'yang nag-aya na magkita-kita kami dito sa restaurant namin.
Umupo kami sa sulok na mesa na saktong pang-apatan. Si Daisy sa kanan ko, si Ahlia sa kaliwa, at si Veron naman ang nasa harap ko.
"Musta na ang uhaw mong talulot? Still tuyot?"
Agad hinila ni Daisy ang buhok ko habang natatawa. "Hmm! Na-miss ko talaga 'yang burara mong bunganga." sabi nito habang sarcastic ang ngiti.
Agad naman akong gumanti ng sabunot sa kan'ya. Gaganti sana ulit s'ya pero pinanlakihan ko s'ya ng mata kaya hindi na n'ya tinuloy.
"Baliw talaga kayo." tatawa-tawang sabi ni Ahlia.
"Hala, OMG, cutieeee!"
Nagtinginan kaming lahat kay Veron na ngayon ay nakafocus ang mata sa entrance. Nilingon namin ang tinitignan n'ya at nakita kong isa pala iyong guwapong Afam na may dalang baby. Kapapasok lang ng mga ito sa restaurant namin at agad umupo sa isang bakanteng mesa.
"Hala, oo nga!" sigaw ko rin.
"Alin, 'yung baby? Oo nga!" segunda naman ni Ahlia na agad kong nilingon at inilingan.
"Gaga, 'yung daddy!" pagtatama ko dito.
"Kaya nga! Anong baby, paki namin du'n? Syempre 'yung daddy 'yung mahalaga!" suporta naman ni Veron sa akin at nag-apir pa kami.
Natatawang naiiling nalang si Daisy sa amin. "Hindi pa rin talaga nagbabago ang lantod-duo ng Tagaytay! College na tayo sa pasukan, baka naman umalembong na kayo ng tuluyan at hindi na kayo makapag-martsa n'yan?" tinaasan kami nito ng kilay.
"Ayan nga si Arah, hindi pa nagsisimula ang pasukan, top 1 na agad sa kalandian." sagot naman ng chismosang si Veron kay Daisy at saka kinuwento agad dito ang tungkol kay Tristan.
Naniningkit ang mga mata ni Daisy sa akin at nailing-iling pa na animo'y disappointed. "Sira ulo ka kamo! Ang alam ko may mga nakukulong sa gan'yan. May I remind you that you're still a minor, Arah."
Umirap ako sa sinabi n'ya. "It's not as if seryosohan ang lahat, manang! I'm just playing around. Crush-crush lang, plus, he's nice."
"Totoo 'yun, mabait si Tristan. Makukulong lang naman kapag may ginawa s'yang hindi maganda kay Arah. Pero sa nakikita ko, mukha namang may resepeto s'ya sa mga babae." suporta naman sa akin ni Ahlia.
"Wow, paano mo naman alam? Sabay ba kayong lumaki?" sarkastikong sabi ni Daisy. Ngumuso nalang si Ahlia at hindi nakasagot. Muli naman akong binalingan ni Daisy. "Tigilan mo 'yan, Arah. Sa iba ka nalang maglandi. 'Yung hindi kumplikado." seryosong sabi ulit ni Daisy.
I rolled my eyes and shrugged. "Whatever, manang."
"Hmm. Para sa akin, okay lang. Alam naman na ni Arah ang tama at mali." ngumiti pa si Ahlia sa akin.
"Alam n'ya nga ang tama at mali, pero mas masarap ang bawal kaya syempre du'n s'ya susugal. Kaya ako, ang masasabi ko lang sa'yo aling landi, pahinging halo-halo dahil nagugutom na 'ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/230448425-288-k143031.jpg)
BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...