10thSa kalagitnaan ng byahe ay tumawag si Jake kay Tristan. Sinagot n'ya ito ng naka-loudspeaker.
"Hello, p're, talo, gagi!"
Napanganga ako sa bungad ni Jake. Shit, they lost! OMG. I feel like it's my fault!
"Sensya na, 'tol."
"Okay lang, 'tol. Bawi nalang."
"Jake, sorry." singit ko sa tawag.
"Hi, Quin! Wala 'yun, ano ka ba! Bakit ka nag-sosorry?" I heard him chuckle.
"Quin, binigay ko number mo kay Elias, ah!" singit naman ni Stephanie.
I rolled my eyes. Oo nga pala! Dahil talo sila, he can get my number now.
"Luh, block mo agad! Fuck boy 'yun!" si Jake.
"Huy, kilala ko naman si Elias. Hindi naman." si Stephanie.
"Fuck boy 'yun, Tep!" si Jake ulit.
"Napaka judger mo!" si Steph na naman.
Magsasalita sana ako pero pinatay na ni Tristan ang tawag.
"Nag-away pa." sabay tawa ko. "Wala naman akong paki kung gano'n man s'ya o hindi, hindi naman kasi ako interesado."
"Really? Why?" sumulyap s'ya sa'kin.
"Kasi..." Ikaw ang gusto ko! "...wala lang."
Alas kuwatro ng hapon nang makarating kami sa bahay nila Veron. Lumabas ako ng kotse para sunduin s'ya. Dire-diretso ang pasok ko sa loob nila at naabutan ko s'yang kinukutuhan ang bunsong kapatid n'ya habang umiiyak ang bata.
"Huy! Inaalipusta mo na naman si Valerie!"
Nilingon ako ng bruha. "Nand'yan ka na pala."
"Ay, hindi, kaluluwa ko lang 'to!" sarcastic kong sagot.
"Eh kung hinampas kita ng TV d'yan para totoong kaluluwa ka nalang?" sabi nito sabay suklay sa buhok ni Valerie. "Pasalamat ka, nandito na si Arah, kung hindi, ubos sa'kin lahat ng alaga mo!" sermon pa nito sa kawawang bata.
Lumakas ang iyak ni Valerie. She's just 7 kaya walang laban palagi sa ate n'yang demonyita.
"Palagi mo nalang akong kinukutuhan! Napapanot na 'ko!" ngawa nito at saka padarag na tumayo at tumakbo papunta sa akin.
"Hello, cutie!" Yumakap ito sa bewang ko at hinimas ko naman ang ulo n'ya. Si Veron ay dumiretso sa kuwarto n'ya para daw magpalit ng damit. Saktong biglang sumulpot si Mama Alma galing sa likod bahay nila, mukhang nanguha ng malunggay.
"Oh, Arah, ineng."
Nilapitan ko si Mama Alma para mag-mano. Pinaalam ko na rin si Veron na isasama ko sa bahay saglit at pumayag naman ito.
Nang pasakay na kami sa kotse ni Tristan ay gusto ni Veron na sa likod kaming dalawa. Nag-aalangan ako dahil nahihiya ako kay Tristan at magmumukha s'yang driver kaya naman hindi ako pumayag sa gusto n'ya.
"Tinted naman! Wala namang makakakita ng loob! Gusto mo lang katabi mo lagi eh! Jowa? Jowa?"
Nanlisik ang mata ko sa kan'ya. "Future jowa! Baket?"
Natawa s'ya. "Ta's sa huli, ngawa! Saket?"
Hinila ko ang buhok n'ya sabay tawa. "Baka magdilang anghel ka, demonyita!"
Biglang bumaba ang salamin ng kotse. Napalingon kami doon at sumilip bigla si Tristan. "May problema ba?" tanong nito. Siguro ay napansin ang pagdidikusyon namin at hindi pa kami sumasakay agad.

BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...