26th
"Thank you, dear."
Ngumiti ako kay Tita Elvie at sa asawa nito. Regular sila sa restau tuwing Friday para sa walang palyang weekly date nila. They are both in their 60s but you can still see that they're still very happily and contentedly in love with each other. Mapapa 'sana all' ka nalang, hays.
"You're always welcome po. Let me know if may kailangan pa po kayo ha?"
Umalis ako sa mesa nila matapos tulungan ang server na si Jojo sa pag-serve ng pagkain. For the nth time ay sinipat ko ang relo ko at nakita kong 9pm na pala... 9pm na at wala pa ring Tristan na nagpapakita.
Nagbuntong hininga ako kasabay ng dumaang kirot sa dibdib ko. Sinabi ko sa sarili ko na ngayong gabi, I would hope for the best but expect the worst. Dahil mas nakakagulat naman talaga na sumipot s'ya kaysa hindi. Pero kahit anong sabi ko sa sarili kong 'di ako aasa, umasa pa rin ako, syempre malandi tayo eh.
"Good evening." nilingon ko ang pinagmulan ng tinig. It was Timothy. I sighed again. Palagi nga pala itong dito nagdi-dinner.
Nilampasan ko s'ya. Nakita ko si Mitchie na malungkot na nakatingin kay Tim, tila naaawa. Can't blame Mitch, she has no idea what really happened between us. No one knew.
Matao kaya bumilis ang oras. Pumatak ang alas diyes at lalong bumigat ang pakiramdam ko. Wala pa rin si Tristan.
"One more hour, Arah." Malungkot na bulong ko sa sarili. Nakasandal ako sa railing ng terrace at lumalanghap ng sariwang hangin pampakalma.
"Nag-dinner ka na?"
Nilingon ko ang kararating na si Tim. Inilingan ko ito. "I'm waiting for someone."
"Veron? Daisy?"
"Ahlia." irap ko.
"She's back?" gulat nito.
Muli akong umirap. Natatawa sana ako pero pinigilan ko. "Patola ka naman."
"Patola?"
Irap ulit. "Search mo nalang sa google kung 'di mo na-gets, natatamad ako mag-explain."
Pumihit ako patalikod at nagmartsa paalis sa tabi n'ya. Pumasok ako sa office at nagkalikot nalang muna doon pampatay ng oras. 30 minutes passed at muli akong lumabas. There are still 3 tables left at isa doon ay kay Timothy.
Wala talaga si Tristan.
"Grabe naman." bulalas ko sabay hawak sa dibdib. Minasahe ko ito habang humihinga ako ng malalim.
"Miss Arah, okay ka lang?"
Nilingon ko si Mitchie. "Hindi, Mitch, hindi sumipot 'yung date ko." I laughed fakely. Nakita ko si Mitch na nalungkot. I informed her that I'm waiting for someone at ni-reserve pa nga namin ang pinaka magandang spot sa terrace.
"Si Lord nga nagpapatawad, pero s'ya, galit pa rin sa'kin? Susumbong ko s'ya kay Lord." biro ko sabay tawa ulit kahit peke naman. Tumawa din si Mitch kahit kita sa mukha nito na naaawa pa rin.
"Si Sir Tim, nakailang tanong kung kumain ka na." sabi nito bigla na inirapan ko lang at hindi pinansin.
Nang pumatak ang alas onse at si Tim nalang ang natirang tao sa restau ay doon na nawalang tuluyan ang pag-asa kong sisiputin ako ni Tristan. Tinulungan ko nalang na maglinis ang mga staff. Si Tim ay umalis na rin nang makitang nagsasara na kami. 11:30pm nang matapos kami at pinauna ko na silang lahat. Nasa balcony ako at nakatanaw sa buwan nang mag-alarm ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...