22nd
"Akalain mo nga namang si Daisy pa talaga na leader ng anti-talong club no'ng kabataan natin ang unang ikakasal sa atin?" Tulala sa kawalan si Veron habang ako ay tulalang tumatango sa kan'ya.
Magkasama kami ngayon dito sa kwarto ko at kakauwi lang namin mula sa nangyaring marriage proposal ni Tj kay Daisy. Kaloka diba? Kung sino pa nga namang hindi nag-effort lumandi, s'ya pang unang matatali. Thanks, life!
Biglang tumingin ito sa akin, ang mukha ay walang kaemo-emosyon. "Kayo ba ni Tim, kamusta na? Lulumutin na 'yang kiki mo, ni holding hands yata hindi n'yo pa nagagawa?"
Napanganga ako at napahawak sa dibdib dahil sa sinabi n'ya. "Pasmado talaga 'yang bibig mong kutung lupa ka."
"Oh, bakit? Do'n lang tayo sa totoo." wala pa ring emosyong sabi nito. "Hindi pa rin kayo official, diba?"
"We're official... officially happy." inirapan ko ito.
"Luh, bagong label ba 'yun ngayon?" nagpigil ito ng tawa. Sinabunutan ko nga, walang hiya eh!
Pero I can't deny the fact na totoo ang sinasabi ni Veron dahil till now hindi ko pa rin alam ano ba kami ni Tim. Sinusundo n'ya ako palagi at hinahatid, parang naging routine namin iyon tapos lumalabas pa kami minsan, pero 'yun na 'yon. Kaloka, gusto lang yata n'yang maging driver ko. 'Yung totoo, Tim? Ano na? Hays.
Pero in fairness naman, sweet na s'ya sa'kin, kaso... hindi pa rin talaga s'ya nanliligaw. Iniintindi ko nalang na busy kasi s'ya sa business nila ni Inno at kapag off n'ya naman ay kailangan n'yang bumisita sa family n'ya sa Manila kaya siguro hindi s'ya makaporma sa'kin ng maayos? Hay, ewan.
Ayaw kong magtanong at ayaw kong magmukhang naghahabol kaya hinahayaan ko nalang. Okay lang naman ako, guys, promise, okay lang ako, 'di naman masakit.
"Ikaw ba? Maka-ano ka sa'kin, kala mo talaga meron ka rin ah?" balik ko sa kan'ya.
"Hoy, excuse me, meron ako, remember nanliligaw na sa'kin si Franco?" taas-noong sabi nito. Oo nga pala, nakuwento n'ya last week. Natawa ako.
"Wow, may nanuno na naman sa kan'ya. Edi ikaw na. Alayan na ba kita ng kalamay at pansit? Tabi-tabi po, nuno." asar ko sabay tawa ng malakas kaya nasabunutan na naman ako ng walang hiya. Saya lang pikunin ni Veron eh.
Kinabukasan ay inaya kami ni Daisy na magcelebrate para sa engagement n'ya. Medyo na-late ako dahil bumisita ang pamangkin kong si Chinchin sa restau at naaliw akong laruin ito.
Umupa si Daisy ng isang KTV room. Pagdating ko ay dinig na dinig ko na agad ang taratitat na boses ni Veron sa pinto palang.
Oh baby baby don't be shy
Kung mahal mo 'ko wag mong ideny
Oh yeah, uhuhBaby don't be shy aking ibibigay
Kung pag-ibig ko ang nais mo
Nanabik ang puso ko
Oh baby sa pag ibig moooNilingon ako ni Veron nang buksan ko ang pinto. Nakatayo pa ng bruha at sumasayaw. Nagtatalon ito at tinuro-turo ako.
"Sis, theme song mo 'to!" nagtatalon nitong sabi. Natawa nalang ako.
"Ano, lasing na 'yan agad?" tanong ko kay Daisy nang makaupo. Natatawa itong umiling. "Normal na baliw lang talaga 'yang kaibigan mo."
"Anong akin? Iyo 'yan. Si Ahlia lang kaibigan ko. Hi, Li!" kumaway ako sa screen ng cellphone ni Daisy kung saan naka video call si Ahlia.
"May isa pa 'kong kanta for you." sabi na naman ni Veron sa mic. Hayop, nagconcert!
Aaahhhhhhh
Huwag mo akong masyadong titigan
Na parang bang hinuhubaran
Alam kong may gusto ka sa akin
Halika at sabihan na lang

BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...