25th

647 20 4
                                    

25th

Bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang mga nagchichikahang pinsan ni Tristan. 'Yung iba ay kilala ko na dahil na-meet ko na sila noong burol ng mama n'ya.

Nilingon nila kami... at lahat ng mga mata nila ay dumapo sa kamay naming magkahawak at pagkaraa'y sa mukha ko. Napalunok ako sa hiya dahil doon ko napagtantong mukha akong basang tutang mugto ang mata at medyo inuuhog pa.

Oh my gosh, UHOG!? Bigla akong napasingot na agad ko ring pinagsisihan dahil sobrang lakas ng tunog ng sipon kong nahigop paloob. Nanlaki ang mata ko at agad akong napayuko. Umatras ako at akmang bibitaw na sana kay Tristan pero hinigpitan nito ang hawak sa akin.

"Everyone, this is Quin." patay malisyang anunsyo ni Tristan sa mga ito. Tila hindi nahihiya na ang babaeng kasama n'ya ay halos masingot na ang mga pinsan n'ya.

"These are my cousins." kalmadong sabi naman nito sa akin. Hindi ko s'ya tinignan at nanatili akong nakayuko sa kahihiyan.

"Hello, sorry, I'm a mess right now–" mabilis na sabi kong agad naputol dahil sumingit ang isang pinsan n'ya.

"Girl, shh! We've all been there!" tiningala ko ang nagsalita, she smiled at me reassuringly. She has a very friendly aura. "Nice to meet you, I'm Izzy!" pakilala nito na sinagot ko ng isang nahihiyang ngiti.

"Trist, baka magkasakit s'ya, pagbanlawin mo muna." sabi naman noong isa na agad kong ring nilingon.

"Let's get you dry first." bulong ni Tristan at saka ako tinangay paakyat, dinala ako nito sa kuwarto n'ya at doon na ako napatili at napasabunot sa sarili sa sobrang inis.

"'Nyeta, nakakahiyaaa! Ang chaka ko, ang dugyot ko, tulo uhog pa! Kainisssss!!!"

I heard Tristan chuckled, dahil doon ay nilingon ko s'ya na matalim ang mga mata pero agad ding nawala kasi ang guwapo n'ya talaga tumawa, my gosh, natulala nalang ako!

"I missed that." hindi ko napigilang masabi. Natigilan s'ya at napatingin nang seryoso sa akin, kinagat ko ang labi ko at nagbuntong hininga.

"I missed you, Trist." nagbadya na naman ang mga luha ko. "Sorry talaga, sobrang sorry." pinigilan kong maiyak ulit dahil ayaw ko nang madagdagan ang naipong sipon sa ilong ko, kadiri na!

"Here's a towel, mag-shower ka muna, please." kumirot ang puso ko dahil sa hindi nito pagpansin sa sinabi ko, dahan-dahan kong kinuha ang tuwalya sa kan'ya at malungkot na pumasok ng banyo.

After 20 minutes ay natapos din ako. I saw a shirt and a jogging pants on the bed, but Tristan is nowhere to be found. I sighed at that at nagbihis nalang, doon ko napagtantong mukha kaming sasayaw ng mga pinsan nyang babae na pare-pareho ring nakasuot ng t-shirt nya na sa laki ay nagmukhang dress sa amin. Napapikit pa ako nang maisip na pinagkamalan ko pang bagong jowa n'ya 'yung nagbukas ng pinto kanina. Pinsan pala, kaloka, tamang hinala kasi masyado!

Sandali ko munang kinalma ang sarili ko at saka ko binuksan ang pinto. Nagulat pa ako nang makitang nag-iintay pala si Tristan do'n. "Thank you." nahihiya kong sabi. "Umuulan pa ba?"

"Ambon nalang."

"Pwede na siguro akong umuwi, pahiram nalang ng payong." napalunok ako. Pahiram din ng atensyon, Trist, baka naman! Miss na miss na talaga kita, ang sakit-sakit sa heart!

Bitter Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon