8th

1.3K 32 2
                                    


8th

Sa sobrang gulat ko kay Tristan ay napatayo ako bigla.

"Ba't bigla-bigla kang nasulpot d'yan, lintik ka!" Inirapan ko s'ya. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.

"Bro, kanina ka pa ba d'yan?" Hilaw ang ngiti ni Jake.

Tumango si Tristan pero nananatili ang mata nito sa akin at hindi manlang nilingon si Jake.

Kanina pa s'ya... ibigsabihin narinig n'ya 'yung pinanuod ko kay Jake.

"Hey, can we talk?" malumanay nitong sabi sa akin habang ang mapupungay n'yang mga mata ay nakatingin sa mga mata ko.

Mabilis akong umiling. "W-wala naman tayong dapat pag-usapan." tapos ay bumalik ako sa pagkakaupo.

Si Jake ay biglang tumayo. "Bisitahin ko lang 'yung kusina." sabi nito habang hilaw pa rin ang ngiti at kumakamot sa batok.

Gusto ko s'yang pigilan pero mabilis s'yang nawala. Iritado akong nagbuntong hininga.

"I heard everything, Quin." sabi ulit ni Tristan na nanatiling nakatayo sa tabi ko.

Hindi ko s'ya pinansin at agad kong kinuha ang phone ko at nagpanggap akong nagtetext. Umupo s'ya sa tabi ko. Amoy na amoy ko tuloy ang bango n'yang nakakahalina. Kaka-adik.

"Quin..."

Dedma.

"Quin."

Dedma ulit.

"Quin, babawi ako."

I laughed sarcastically at iritado s'yang nilingon. "Ano ka, Sexbomb? No'ng nakaraan lang, laban-laban ka sa'kin, ngayon naman, bawi-bawi na?"

Natawa s'ya sa sinabi ko kaya lalong kumunot ang noo ko sa inis. Dahil doon ay kinagat n'ya ang labi n'ya para pigilan ang tawa n'ya and myyyyy, oooh, myyy, he looked sooo freaking cute while doing it!

Mahabaging langit! Hirap naman po magpabebe kapag ganito kaguwapo ang susuyo sa'yo!

"Tawa ka pa d'yan, ah." kunwaring naiinis kong sabi at saka binalik ang atensyon ko sa cellphone.

Sandali s'yang natahimik bago muling nagsalita. "How did you get here?"

Iritado ko s'yang nilingon. "Baka lumipad ako?" sarcastic kong sagot.

Umamba s'yang tatawa na naman pero pinigilan na naman n'ya dahil tinaasan ko s'ya ng isang kilay.

"Suplada." nakangiting sabi n'ya na muling nagpalisik ng mata ko sa kan'ya.

"Maganda naman." sabi ko sabay irap.

Natawa s'ya sabay tumango. "Sobra."

Pumikit ako at yumuko para itago ang hindi ko mapigilang kilig. Gagiiii! Mga babaylan, mga nuno, mga tikbalang sa puno, ilayo n'yo po ako sa tukso!

Narinig kong tumawa si Tristan. Ngumuso ako at masama na naman ang titig sa kan'ya. "Epal." sabi ko at saka s'ya inirapan ulit.

Mamaya, titirik na mata ko dito kaka-ismid kay Tristan! Punyeta!

Biglang lumabas si Jake ng kusina at muli itong umupo sa kabilang gilid ko. Dahil doon ay tuluyan ko nang tinalikuran si Tristan at sinimulang chikahin nalang ulit si Jake.

Ilang sandali lang, naramdaman kong mayroong ginawa si Tristan sa laptop ni Jake na nakapatong sa mesa kaya biglang tumigil ang kasalukuyang tumutugtog na kanta at napalitan ng iba.

Intro palang ay alam ko na agad ang kantang sinalang n'ya kaya naman umikot na naman ang mata ko. Si Jake ay hindi na napigilan ang tawa n'ya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Tristan at naiiling nalang.

Bitter Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon