11th

1.2K 32 2
                                        


11th

Nagmamadali kong binitawan ang phone ko at saka nanghihinang umupo sa kama.

"Anyare ba? Huy!" Tinapik ako ni Ate Mika sa braso. Nilingon ko s'ya at wala sa sariling inilingan.

"Sus, eh ba't namumutla ka?" sabi nito na halatang nag-aalala.

Nalukot ang mukha ko. "Si Tristan pala 'yung huling tumawag kagabi. Sa kan'ya ko nasabi na s'ya ang gusto ko." Sinapo ko ang noo ko at nagbuntong-hininga.

"Gaga, weh?!" gulat na gulat na sabi nito na tinanguan ko naman. "Ay obobs!" Humagalpak ng tawa si Ate Mika. Ako naman ay masama na ang titig sa kan'ya.

"Huwag ka sa'kin magalit, ikaw ang tatanga-tanga d'yan." dagdag pa nito na lalong nagpa-inis sa akin.

"Tanga agad? Hindi ba pwedeng lasing lang? Ikaw kasi, pinainom mo 'ko!"

Lalo s'yang natawa. "Inuman lang, cous! Walang aminan ng feelings!"

Ginulo ko ang buhok ko sa inis at saka humugot ng malalim na paghinga.

"Gaga, ano bang sabi?" tanong ulit nito.

"Usap daw kami." kinagat ko ang labi ko.

Umirit si Ate Mika na animo'y kinikilig. "Shet, baka bet ka rin pala n'ya, cous!"

Umirap ako. "Akala ko ba ayaw mo sa kan'ya, eh, bakit kinikilig ka?"

Natawa s'ya. "Ay, char lang. Sorry naman. Na-carried away lang ako, sherep n'ya kasi." humagikhik pa ang bruha.

Kinilig na rin tuloy ako! "Trulyyyy! Hayyy. Pero, 'di nga? Feeling mo bet n'ya rin ako?" hinawi ko pa ang buhok ko sa tenga at pinaglingkis ang mga paa ko na tila nagpipigil ng ihi.

"Eh, bakit gusto ka kausapin? Usually kasi kapag hindi ka bet ng lalaki, magdidisappear nalang 'yan sila bigla."

Napanguso ako. "Eh, paano pala kung sobrang bait lang talaga n'ya at irereject n'ya lang pala ako in a nice way?"

Tumangu-tango si Ate Mika. "Ay, pweds." sabay kibit-balikat nito.

Nanlumo tuloy ako. "Kainis naman kung gano'n! Sana magpanggap nalang s'yang hindi n'ya nalaman at magdisappear nalang s'yang parang multo. Parang mas bet ko 'yun kesa harap-harapan n'yang sabihin sa akin na wala akong pag-asa!" I rolled my eyes.

Tumangu-tango ang pinsan ko. "Sabagay... pero, hindi pa naman tayo sure. Ganito nalang, wait for him to contact you again. If he did, that means gusto ka nga n'ya kasi hindi s'ya tumigil. Pero kung hindi na, then..." she shrugged.

Sinunod ko nga ang payo ni Ate Mika. I waited for Tristan to text or call me again pero nakakaloka dahil lumipas ang buong araw na wala akong natanggap mula sa kan'ya. Napuyat tuloy ako kakaantay at alas dos na ng madaling araw nakatulog. Pero talagang never say die ang lola n'yo dahil nang magising ako kinabukasan ay hindi pa ako nakakadilat ay cellphone ko na agad ang kinuha ko. Pupungas-pungas pa ako sa pagtingin kung nagtext o tumawag na ba s'ya pero wala, nganga!

Is this a sign? Hays! Sabi na nga ba eh, i-rereject n'ya nga talaga ako.

Sa sobrang lungkot ko ay tinawag ko ang mga bestfriends ko at pinapunta ko sila sa bahay para maaliw naman ako. Kakatapos lang naming mag-lunch at ngayon ay nakatambay kami sa sala at nagpapahupa ng busog. Si Ahlia ay nakasalampak sa carpet katabi ni Daisy habang ako at si Veron naman ay nakaupo sa sofa.

"Tanghaling tapat nakabusangot kayo."

Tinignan ko ang nagsalitang si Daisy. Palipat-lipat ang mata n'ya sa amin ni Veron.

Bitter Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon