Prologue

71.5K 1.2K 210
                                    

"Huy Clea gumising ka na! Ano ka senyorita? Lahat nang tao dito gising na ikaw naghihilik pa? Abay sinuswerte ka naman!" Narinig kong nagbubunganga na naman sa tiyang sa labas nang silid ko. Kinakalampag pa nito ang pinto para magising lang ako.

Si tiyang na ang naging alarm clock ko sa araw-araw. Hindi pa sumisikat ang araw kinakalampag na nito ang silid ko. Wala naman akong magawa dahil nakikitira lang naman ako sa kanya.

"Sandali lang po tiyang, magliligpit lang po ako." Mahinang sagot ko sa kanya dahil inaantok pa ako. Gustong-gusto ko pa sanang matulog kaso baka maagang magbeast mood si tiyang 'pag hindi ako bumangon.

Minsan nga hinihiling ko na lang na sana magkasakit ako para makapagpahinga naman ako. Pero wala din, kasi kahit may sakit ako hindi din naman din ako pinapayagan ni tiyang na hindi magtrabaho.

"Clea ano ba!?"

Agad akong tumayo at tinupi ang kumot na ginamit ko. Sinanay ako ni tiyang na ayusin muna ang higaan bago ako lumabas nang kwarto. Hindi ko raw siya katulong kaya dapat akong matuto sa lahat nang mga gawaing bahay.

Kahit mabunganga si tiyang malaki pa rin ang pinagpasalamat ko sa kanya. Siya ang tumayong ina ko nung mamatay daw si mama sa panganganak sa akin.

Pinsan siya ni mama at wala itong anak. May kinakasama ito, si Tiyong Berto na lasenggero.

Bata pa naman si Tiyang nasa kwarenta pa ang edad nito pero ewan ko ba parang maaga ata itong magme-menopause kasi palaging maiinit ang ulo. Pero sabi nang kapit bahay dalawa lang daw ang dahilan niyan kung hindi nagmemenopause baka daw hindi nadidiligan.

Hindi ko nga alam paano nila nasabing hindi nadidiligan e hindi naman halaman si tiyang na kailangan diligan.Tama naman diba? Halaman lang naman talaga ang dinidiligan. 

Tatlong buwan mula ngayon mag-e-eighteen na ako. Kung sana hindi namatay si nanay nung pinanganak ako hindi maging ganito ang aking buhay. Minsan ini-imagine ko na lang kung ano kaya ang mukha ni nanay, wala din naman kasing pinapakitang larawan si Tiyang sa akin.

Ang sabi niya lang kamukha ko ito. Hindi daw sila malapit sa isa't isa kaya wala silang larawan na magkasama.

Hindi ako katangkaran nasa 5'2" lang ang height ko. Maputi ako, kahit palagi akong nakabilad sa araw mapusyaw pa rin ang kulay nang aking balat. Mahaba at maalon ang kulay brown kung buhok na bumagay sa kulay asul kong mga mata.

Minsan tinutukso pa nga nila akong alien. Ako lang kasi dito sa lugar namin ang naiiba ang kulay nang mga mata. Sabi ni tiyang baka kay tatay ko ito namana.

Kapag tinatanong ko kasi si tiyang tungkol kay nanay,naiirita naman ito. Nagagalit agad, kaya kahit gusto ko pang magtanong tumatahimik na lang ako kesa naman buong araw badtrip si tiyang.

Yon ang napapansin ko sa kanya, sa tuwing magpapakwento ako tungkol sa mga magulang ko agad itong nagagalit. Parang allergic ito sa ganung topic. Iwas na iwas itong pag-usapan ang nanay ko lalot patay na daw, patahimikin ko na lang daw ang kaluluwa ni nanay.

Wala akong kinagisnang ama dahil bunga daw ako sa ginawang kalapastangan sa aking ina. Pero sabi ni tiyang nobyo daw ni Mama ang may gawa nun sa kanya, nung nalaman nitong nabuntis niya si mama bigla na lang itong naglahong parang bula. Hindi ko nga talaga alam kong ano ba talaga ang storya nang buhay ko. Hindi din naman kasi alam nang mga kapitbahay namin dahil malaki na daw ako nung dinala ako ni tiyang dito.

"Ano ba Clea!? Ano bang tinutunganga mo diyan sa loob? Bilisan mo na at tanghali na, yung mga labahin mo kay Aling Nena hindi na matutuyo."

"Opo tiyang andiyan na po." Lumabas na ako sa silid at agad kinuha ang nakasabit na tuwalya sa sampayan. Maliligo muna ako bago mag-agahan para diritso na ako pagkatapos kumain kina Aling Nena para sa labada ko.

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon