Chapter 18

27.6K 773 235
                                    

Halos mabuwal ako sa aking kinatatyuan pagkarinig ko sa tawag niya kay Luke. Kuya? Paanong naging kuya niya ito? Nagbibiro ba ito o totoong kapatid niya si Sir Luke? 

Naglakad ito palapit sa akin, bitbit ang mga pagkaing dala niya. Hindi nito pinansin ang pagmumura ni Sir Luke sa likod niya at diritso nitong inilapag sa mesa ang kanyang mga dala. Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari, pero si Gaden tila walang pakialam.

"I miss you, Doll." aniya sabay yakap sa akin. Pero hindi man lang ako nakabati pabalik sa kanya. "Jollibee for my baby doll." nakangising sabi niya sabay pakita nito sa akin.

"F*ck off Lucas!" saway ni Luke sa kanya at agad itong lumapit sa tabi ko. Pagkatapos tinulak niya pa si Gaden palayo sa akin at muntik pa itong mawalan ng balanse.

Papalit-palit ang tingin ipinukol ko sa kanilang dalawa. Si Gaden ay umiiling at natatawa pa habang si Sir Luke ay blangko lamang ang mukha.

Luke? Lucas? Kaya ba magkaparehas yong pangalan nila dahil magkapatid sila? How come? Magkapatid ba sila sa ama ba o sa ina? Baka kay Sir Ron...oh my gosh Ronnie Lucas Contreras pala ang buong pangalan ni Sir.

"Ang damot! Pagkatapos mo akong utusan na bantayan ang 'baby' mo ngayon sinusungitan mo na ako?" bulong-bulong nito pero dinig naman namin ni Sir Luke. Ewan ko ba kung bulong o sadyang pinarinig nito sa amin ang panunumbat niya.

"Shut up Lucas!" naiiritang saway ni Sir Luke kay Gaden ngunit nagkibit balikat lang ito. 

Inisa-isa niya pang nilabas ang mga pagkaing dala niya. Kung siguro sa ibang pagkakataon ito nagtatatalon na ako sa tuwa sa pamukbang niya pero pakiramdam ko ngayon hindi ko ata malunok tong pagkaing nasa harapan ko dahil sa nalaman ko ngayon tungkol sa kanilang dalawa.

Ibig sabihin ba simula pa lang magkakilala na sila? Tsaka ano? Pinabantayan niya ako kay Gaden? Kaya siguro halos walang makalapit sa akin sa university dahil bantay sarado niya ako dahil pinag-utos sa kanya ni Sir Luke.

"Baby?" untag ni Sir Luke sa pagkatulala ko.

Kunot noo akong bumaling sa kanya. Tapos sinulyapan ko si Gaden na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin. May pakindat-kindat pa ang loko na akala mo tuwang-tuwa sa nakikita niya.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko ngunit wala atang balak sumagot ang isa sa kanila. Si Gaden ay nagsimula ng kumuha ng fries habang si Sir Luke ay tila namomroblema.

"Sir Luke? Gaden?" ulit ko. 

"Hala bakit ako nadamay dito? Sagutin mo siya kuya..." ungot niya. "Napag-utusan lang ako, Doll. Promise!" sabay nguso nito kay Sir Luke na timing naman sa paglingon ni Sir Luke sa kanya.

"F*ck you, f*cker!" malulutong na mura nito.

"Peace, Kuya...tsaka totoo naman ah, talaga namang inutusan mo lang ako." sagot nito sabay sawsaw sa fries sa gravy tapos akmang isusubo nito sa akin. "Doll oh kain... "

"What the f*ck Gaden Lucas!?" 

Halatang naiinis na si Sir Luke dito dahil lumabas na ang litid sa leeg niya. Nakita ko pang naggalawan ang mga ugat niya sa kamay dahil sa pagkakuyom niya sa kanyang kamao.

"Hay naku kuya, kaya ka tumatanda, napaka kj mo talaga!" balewalang sagot nito at nagpatuloy sa pagkain sa mga dala niya. Akala ko ba para sa akin, bakit minukbang niya na?

"Baby, come..." Sabay hawak nito sa kamay ko. "And you! You may leave after eating that food!" baling nito kay Gaden bago ako hinila papasok sa silid ko.

"Kuya! Ayoko ko nga. Bahala ka dyan, dito ako tatambay ngayon." Pahabol na sigaw ni Gaden sa amin. Hindi ko alam kung paano nag magiging reaksyon. Naguguluhan ang isip ko sa mga nangyayari.

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon