Ibang-iba ang ayos nito ngayon kesa sa larawang nakita ko sa news paper ilang buwan na ang nakaraan. Hindi ko naman ito pinagmasdan ng maayos dahil binasa ko lang naman ang headline ng article kung saan nabanggit na may dine-date na itong doktora.
But looking at him right now, parang bumalik ako sa una naming pagkikita. Biglang bumalik ang kaba at naging malakas ang tibok ng puso ko sa di inaasahang pagkikita namin. Pilit kong inaayos ang aking pagtayo dahil pakiramdam ko lumalambot ang tuhod ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
He's wearing a dark green three piece-suit pero wala na itong tie. Siguro galing itong opisina at dumiritso na dito sa mansion nila. Ang laki na nang pinagbago niya. Nagmukha siyang bata sa bago niyang gupit. Tingin ko mas lumaki din ang katawan niya ngayon. In-short mas gumwapao at mas naging attractive siya ngayon.
Pinadaanan ko ng tingin ang mukha niya. Pansin kong may mga maliliit na bigote na mas nakadagdaga sa kakisigan niya. Ang kanyang matangos na ilong at mapupulang mga labi na tila nang-aakit. Umangat ang tingin ko sa kanyang mga mata na ngayon ay malambing na nakatingin sa akin. Those midnight black eyes that I used to admire before. Gustong-gusto ko tingnan ang mga mata niya noon. Mga mata niyang tila nanghihipnotismo dahil ilang beses akong nawala sa sarili ko kapag tinitingnan niya ako noon.
But I know better now. Hindi na ako magpapadala sa karisma niya. Tama ng minsang umasa ako ako sa kanya. Alam ko na ngayon kung saan ilugar ang sarili ko. Luke Contreras is not the one for me. Ang layo ng agwat ng estado namin sa isa't isa. May mga bagay sa mundo na di natin pwedeng ipilit. Gaya na lang ng relasyon namin noon. Naranasan ko mang masaktan atleast natutunan ko din namang ayusin ang sarili ko.
So this is how he moved on after a year? Hindi ko na mabilang kung ilang buwan na nga ba ang lumipas o umabot na ba ito ng taon. Tanging alam ko lang ay nalampasan ko ang sakit na dulot ng first heartbreak ko. Mas minahal at pinahalagahan ko ang aking sarili dahil sa nangyari sa akin
It made me realized that I have to grow first in life before I grow in love. May tamang panahon sa pag-ibig, and that time, is not yet the right time for me...for us. He's right, he has to heal first and I have to understand and respect that. Ang pusong warak ay mahirap magmahal ng buo. Kailangan muna nitong maghilom para sakaling may dumating mang bago magiging handa ito. Katulad ko, maaga man akong nasaktan kahit papano may natutunan naman ako.
Muli kong binalik ang tingin ko sa mga mata niya at bahagya akong umatras. Nakita kong may gumuhit na lungkot pero agad din namang nawala. Baka namamalik mata lang ako. I don't want to assume things. Makakasama lang ito sa akin. Narealized ko nung hiwalayan niya ako na malaki din ang kamalian ko. It's very clear from the start that he doesn't feel anything towards me. Ako lang ang umasa, but it's all in the past, I have to move forward and forget that stupid mistake.
"I'm ok po, Sir Luke." magalang kong sagot at bahagya pa kong ngumiti.
It's true that I'm okay now. Kapag pala tinangggap mo ang isang bagay na hindi para sayo mas madali mo itong makalimutan. Pagkatapos akong payuhan ni Gina noon, doon ko na realized na mas madali akong makamove-on kung hindi ko na siya hihintayin. Wala din naman kasing kasiguraduhan kung babalikan niya ba ako kapag ayos na siya. Kahit pa nga nung nakita ko ang tungkol sa balita, Though I'm hurt when I saw it, pero tanggap ko na.
I'm trying my best to show him a sincere smile pero iwan ko lang kung anong klaseng ngiti ang lumabas sa mukha ko.
Nanatili itong nakatingin sa akin na tila binabasa ang kaloob-looban ko. Gusto ko na talagang umalis sa harap niya dahil pakiramdam ko hindi ko kayang tagalan ang uri ng tingin niya sa akin. Hindi ko maiwasang maapektuhan kahit simpleng pagtitig niya lang. Kahit naman dati, kaya nga natataranta ako noon kapag tumitingin siya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)
RomantikWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at w...