Kanina ko pa napapansin ang matatalim na titig sa akin ng babaeng lumapit sa amin kanina. Kung ano-ano ang iniuutos nito sa akin kaya kanina pa ako pabalik balik sa kusina. Nung sinubukan naman ni Gina na tulungan ako may inutos naman itong iba.
Napaghahalataan kong pinag-iinitan niya talaga ako. Hindi ko naman alam kung anong kasalanan ko sa kanya dahil ngayon ko pa lang naman siya nakita dito sa mansion ng mga Contreras.
Kakaabot ko lang sa inutos niya may kasunod na naman ito. Talagang sinasadya ng babaeng ito na utusan ako sa buong durasyon ng pagkain nila. Naiinis na ako dahil yong ibang hinihingi o pinapakuha niya hindi niya naman ginagamit.Gusto niya lang talaga akong pahirapan,hindi ko alam kung ano ang trip niya pero wala naman akong karapatang magreklamo.
Kung hindi naman siya ang mag-uutos sa akin ang ina niya naman. Kahit nasa harap lang nila ang kailangan nila at maabot naman ito inuutos pa. Kulang na nga lang subuan ko ang mga ito. Kung pwede nga ako na ngumuya ng kinakain nila para kunok na lang sila diritso ginawa ko na.
Pati sina Nana nakahalata na, pero wala namang magawa ang mga ito dahil prehas lang din naman kaming naninilbihan dito. Ang mag-asawang Contreras wala din namang sinabi pero napansin kong nakahalata na din si Sir Ronnie. Pero si Madam Elena pansin ko ring parang iritable si akin.
Pero kanina pa sila nagsimulang kumain hindi ko man lang nakitang sumabay si Sir Luke sa kanila. Kaya siguro nagmamaldita itong babaeng tumawag sa kanyang 'babe'.
Dinig ko sa usapan nila kanina na girlfriend daw siya ni Sir Luke. Siya ata yong doktorang nakita konsa news paper noon. Kung gaano siya kaganda ganun naman kagaspang ang ugali niya. Pati kina Nana wala itong respeto kung makapag-utos. Sobrang baba ng tingin nito sa aming mga katulong.
Pagkatapos sabihin ni Sir Luke kaninang nagseselos siya ay iniwan ko na ito. Pinasok ko sa loob ng silid ko ang pasalubong at bulaklak na bigay ni Gaden at sinigurado kong sarado ang pintuan para hindi ito makapasok. Paglabas ko naman ng silid hindi ko na ito nakita at hindi ko rin alam kong saan ito ngayon.
"Uhm Tita, can we talk about our... engagement now?" Maarteng pasimula nito. Alam kong sadyang pinarinig niya sa aming lahat ang tungkol sa 'engagement' nila kasi talagang binitin niya ang pagkasabi ng salitang yon. Nakita ko pa ang pag-angat ng kilay niya nung sumulyap ito sa akin.
Muntik akong masamid sa sarili kong laway pagkadinig sa sinabi niya pero agad ko itong pinigilan. Hindi ko man aminin pero parang naluluha ako sa aking narinig. Ang sakit palang malaman na magpapakasal na siya sa iba. Pakiramdam ko nanunuyo ang aking lalamunan sa pagpigil sa anumang emosyon na gustong kumawala sa akin.
Hindi nila dapat makita na nasasaktan ako.Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ni Sir Luke kung malaman nila na minsan naging bahagi ako sa buhay nang nag-iisang anak nila. Na ang nag-iisang taga pagmana nila ay pumatol sa isang katulong.
Kung mag-uuusap sila tungko sa kasal bakit wala ito ngayon dito? Para saan yong mga sinabi ni Sir Luke sa akin kanina? Pinaglalaruan niya lang ba ako ulit? Tumingala ako para pigilan ang luhang namumuo sa aking mga mata.
I have to control my emotion. Please lang Clea, wag mong ipahiya ang sarili mo. Pagalit ko sa aking sarili.
Pasimpleng hinawakan ni Gina ang kamay ko, at marahan niya itong pinisil na parang sinasabing 'okay lang yan ,Clea'. Nung tumingin naman ako kay Nana kita ko ang lungkot at awa sa mga mata niya. Kaya hindi ko napigilan ang ang pagtulo ng luha ko. Pasimple akong tumalikod at pinalis ang mga ito, pero ayaw namang tumigil. Pakiramdam ko lalo pang naninikip ang dibdib ko na tila nahihirapan akong huminga.
Mabuti nga at mabilis akong inagapan ni Nana. Giniya niya ako papasok sa kusina at pinainom niya ako ng tubig. Alam kong napansin nila ang ginawa ni Nana, pero wala namang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at w...