Chapter 16

27.9K 805 160
                                    

True to his words hindi siya lumalabas sa tuwing nasa kusina o nasa sala ako. Para kaming nagpapatintero sa loob ng unit niya. Tuwing nakikita niya ako agad itong pumapasok sa kanyang silid.Minsan naawa na rin ako sa kanya dahil siya pa mismo ang nag-aadjust para sa akin kahit condo niya naman 'to. Kung gugustuhin niya nga pwede niya akong paalisin dito kahit anong oras.

Ilang beses ko na itong nahuling nakatingin sa akin sa labas ng silid niya pero kapag naman nakita niyang nakatingin ako agad din itong pumapasok. Para itong school boy na nagtatago kapag nahuhuling nakatingin sa crush niya. Ang cute niya kaya tingnan. Kinikilig nga ako minsan ng...slight lang naman.

Araw-araw maaga akong nagigising dahil naglilinis ako at naghahanda ng pagkain namin. Napansin kong hindi ito pumapasok sa opisina niya buong linggo. Palagi lang ito sa silid niya. Ano kayang ginagawa niya doon? Nagtatrabaho kaya ito?

Minsan kinakatok ko pa ito para kunin ang mga labahin niya pero hindi niya naman pinapalaba sa akin. Hindi na daw kailangan at siya na lang daw ang gagawa non. Hindi na rin ako nagpumilit ang importante nalilinisan ko ang buong unit niya at naipagluluto ko siya ng pagkain niya. Yon nga lang nag-iisa ito kung kumakain kasi pumapasok din ako sa silid ko pagkatapos kung kumain at magligpit.

May dalawang silid pa dito sa condo niya ang isa maliit lang ginawang gym kasi may mga gamit pang ehersisyo. Ang isa naman parang entertainment room dahil may malaking tv tsaka may upuan din tulad nung nasa silid niya. Ibang kulay lang ang nandito, puti tsaka iba din ang tela, pero nakabalot pa ito ng plastic.

Nagtataka nga ako kung bakit kaya ang hilig niya sa ganung porma ng upuan, maganda ito pero mahirap naman gamitin kasi hindi naman pangkaraniwan yong porma nito.

Mag-dadalawang linggo na ako dito. Nanghiram lang ako sa kanya ng laptop nung nakaraan kasi nag-email lang ako sa mga kaklase ko para sa project namin. Sabi ni Sir Luke kakausapin niya ang dean namin para makakuha ako ng final exam. Hindi daw muna ako kailangan pumasok. May kinausap na din daw siya para bantayan ako habang nandito sa unit niya. May kailangan lang daw siyang ayusin bago ako makabalik sa normal kung buhay.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may banta sa kaligtasan ko. Pero laking pasalamat ko na lang din at nakinig ako sa sinabi niyang dito muna ako sa kanya. Hindi ko rin makontak si Gaden o si Gina kasi wala akong celphone na dala. Nahihiya din naman akong makiusap kay Sir Luke na hihiramin ko ang phone niya para matawagan si Gaden dahil alam ko namang beast mode siya pagdating dito.

Kumusta kaya ang mga ito hinanap kaya nila ako?

Isang beses umalis si Sir Luke pero binilin nito sa akin na huwag akong magpapapasok kahit kanino. May aasikasuhin lang daw ito saglit at babalik din naman agad. Totoo naman kalahating oras lang bumalik din ito agad at doon ulit namalagi sa silid niya. Hinahayaan niya akong paggala gala dito sa loob ng unit niya habang nasa loob lang siya.

Gusto ko na nga itong kausapin dahil nabo-bored na rin akong walang kausap dito. Kaunti lang din ang nakakain ko kasi nakakalungkot kumain mag-isa. Mabuti pa doon sa mansion madami akong nakakasama. Kumusta na kaya sila Nana? Sila Madam kaya nasa mansion pa? Makakabalik pa kaya ako doon? Siguro galit din ang mga ito sa akin ngayon. Nalulungkot akong isipin na ang dating tahimik kong buhay ay bigla na lang naging magulo.

Para akong bilanggo na nagtatago ngayon kay Stella. Kung tutuusin ito ang may kasalanan sa akin pero bakit ako nagtatago? Gaano ba kalaki ang impluwensiya ng pamilya nila.

Hindi binanggit ni Sir Luke sa akin ang tungkol sa mga magulang niya. Nahihiya din naman akong magtanong baka ano pa ang isipin niya. Ayoko ring magkamali baka masaktan ko na naman ito sa mga salita ko.

Sinabi niya lang sa akin na aayusin niya muna ang lahat at kailangan ko munang magpalamig dito sa condo niya.

Minsan tinanong ko din siya kung sino ang kasama niyang tumulong sa akin nung gabing yon ang sabi niya si Kuya Joel daw. Pero nakita ko si Kuya Joel na nakatayo lang doon sa tabi nung sinasaktan ako ni Stella. Alam kong hindi sila makagalaw ni Kuya Carding dahil madami ang tauhan nina Stella ang nakatingin sa amin.

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon