Chapter 21

26.2K 810 123
                                    

Inihinto ni Manong saglit ang taxi na minamaneho nito. Siguro kanina pa nito napapansing nahihirapan na akong huminga sa sobrang pag-iyak ko. May kinuha itong tubig tsaka inabot sa akin.

Nakakahiya man pero tinanggap ko ito, nakita niyang nahirapan akong buksan ang takip kaya nilahad ang kanyang kamay para kunin ulit ito sa akin para mabuksan niya. Nagpasalamat ako sa kanya at agad kong ininom ito. Kahit papano lumuwag konti ang aking dibdib pagkatapos kung uminom ng tubig.

Nakita kong napasulyap siya sa tagiliran ko at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng makitang duguan ang aking damit.

"Kailangan mong magamot Ineng, dadalhin kita sa hospital..." aniya pero agad akong umiling.

Hindi ako pwedeng pumunta ng hospital dahil mas madali akong mahanap ni Tyong doon. Mas mabuting didiritso ako sa condo at ako na lang ang gagamot nitong sugat ko.

Sinabi ko sa kanya ang address ng condo ni Luke para ihatid niya ako doon. Nag-aalangan pa ito pero sinabi kong kaya kong gamutin ang sarili ko.Habang bumabyahe kami kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at idiniin sa sugat ko para hindi ito masyadong dumugo.

Kinuha ko ang aking phone gamit ang bakanteng kamay ko para tawagan si Luke, pero ganun na lang ang pagkadismaya ko dahil naka-off pa rin ang phone niya hanggang ngayon. I tried to dial it agin but still. Sinubukan kong tawagan si Gaden ngunit ganun din, nakapatay din ang cellphone niya.

Wala akong choice kundi tatagan ang sarili ko. Wala akong ibang mapupuntahan. Hindi ko rin makontak ang phone ni Gina.

Kaya ko to...kakayanin ko. Pagpapalakas ko sa aking sarili.

Pagkadating namin sa tapat ng condo, mabilis kong binigay sa driver ang aking bayad, hindi niya pa sana ito tanggapin pero nagpumilit ako. Hindi ko na hinintay ang sukli ko,pasalamat ko na rin yon sa pagtulong niya sa akin makatakas kay Tyong.

Nagmamadali akong lumabas at halos takbuhin ko na ang lift pero natigil ako ng pinigilan ako ng gwardiya at receptionist.

"B-bakit po?"

"Pasensiya na Ma'am pero may instruction kaming bawal na po kayong pumasok sa unit ni Mr. Contreras." Sabi ng guard.

"B-bakit po kuya? Sa unit niya po ako nakatira, ito po ung keycard ko. Tsaka alam ko din yung passcode niya." Magalang kong sagot.

Pilit kong inaayos ang tayo ko kahit ang totoo ay nanghihina na ang tuhod ko. Medyo lumalabo na rin ang paningin ko dahil sa sakit ng sugat ko sa aking tagiliran.

Wala akong ibang mapuntahan, nasa condo ni Luke ang mga gamit ko. Hindi ko rin alam kung saan ako magtatago palayo kay Tyong.

Nakita kong natigilan si kuya nang makita nitong duguan ang damit ko kaya tumagilid ako para itago ito sa kanya.

"K-kuya kailangan ko na pong makaakyat..." nakita kung napasulyap siya sa sugat ko.

"P-please kuya...kahit tawagan mo si Luke,e-check mo sa kanya. Siya ang nagpatira sa akin sa flat niya." Bahagya pa akong napapikit dahil kumikirot na talaga ang sugat ko.

"Ma'am pasensiya na po,pero utos po ito ni Madam Elena. Nasa unit po siya ni Sir Luke ngayon." Sabat ng receptionist. " kung gusto niyo po pasamahan ka na lang namin para kunin ang mga gamit mo sa taas."

Kita ko ang awa sa mga mata nila. Alam kong kilala niya na ako dahil ilang beses na kaming nagngingitian nito sa tuwing bumababa at dumadaan ako dito sa kanila.

"Saglit tatawagan ko si Luke..."

I dialled his number pero kahit ilang beses ko pang gawin yon tanging answering machine lang ang sumasagot. Nagsisimula na akong mawalan ng pag-asa. May pera pa naman ako ang problema ko lang baka mahanap ako ni Tyong. Natatakot sa kaya niyang gawin sa akin. Base sa mukha niya kanina, alam kong hindi ito titigil hanggat hindi niya makuha ang gusto niya...ang makaganti sa akin at gawan ako ng masama.

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon