Nakatulugan ko ang paghintay kung kelan aalis si Calyx dito sa condo ni Sir Luke. Sa sobrang pagkabagot ko kanina, humiga ako sa kama at yon nga nakatulog ako. Natatakot kasi akong lumabas dito sa silid ko dahil kabilin-bilinan niyang dito lang ako hanggat may bisita pa sa labas.
Ewan ko ba kay Sir Luke bakit kaya ayaw niyang makipagkaibigan ako kay Calyx gayong mukhang mabait naman ito, medyo maligalig nga lang pero feeling ko magki-click kami. Feeling ko para din siyang si Gaden, masarap kaibigan, yong tipong cool kasama. Siguro kapag naging kaibigan ko 'to may dadagdag na sa listahan ko ng manglilibre sa akin sa jollibee.
Bumangon ako at naghilamos muna. Siguro wala na si Calyx ngayon ilang oras din akong nakatulog. Sinuot ko ang damit na binigay niya sa akin, para makasigurong maayos ang suot ko sakaling nasa labas pa ito.
Mag-aalas sais na nang gabi kailangan ko nang magluto ng hapunan namin. Hindi ko sinuot ang pajama niya, may shorts naman ako tsaka mahaba naman tong t-shirt niya. Masyadong malaki yong pajama niya para akong scare crow kapag pinagsabay ko ng suot pati ang t-shirt niya.
I feel so comfortable wearing his shirt. Ang ganda ng tela nito, tsaka amoy Sir Luke pa. Sabihan ko na lang kaya siya na bigyan niya na lang ako para di na kami bibili pa ng mga gamit ko. Okay na sa akin tong t-shirt niya sanay naman ako sa ganitong mga damit nung nasa probinsiya pa ako. Tsaka madami naman siguro siyang mga damit na pinaglumaan na.
Sumilip muna ako bago lumabas. Tahimik ang paligid, siguro nga nakaalis na si Calyx. Dahan-dahan akong humakbang palabas para hindi ako makagawa ng ingay. Ayaw kong malaman ni Sir Luke na gising na ako baka kasi paparusahan niya na ako. Nakakatakot pa naman yong mga tingin niya sa akin kanina bago lumabas sa silid ko.
"Where are you going, baby?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla itong nagsalita sa likod ko. Pakiramdam ko sobrang lapit nito sa akin dahil halos maramdaman ko na ang init ng katawan niya. Bakit ang hilig-hilig ni Sir Luke dumikit sa akin. Ilang beses na itong nangyari sa pagitan namin. Ito din ang dahilan kaya niya nakuha ang first kiss ko. Dahil nakatali ang buhok ko, dama ko ang hangin mula sa hininga niya na pumapaypay sa batok ko.
"Clea?" saad niya sa napapaos na boses.
Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya. I saw how his eyes glistened with so much emotion as he stared at. Those kind emotion that I haven't seen from anyone else before. Only Sir Luke can make feel this...this feeling that I can't explain when I'm with him. Maybe it is because I still love him?
He removed the hair in my face and put it behind my ear. He gently traced the side of my cheek going down to my lips. Ang bawat dampi ng balat niya sa mukha ko ay nagdudulot na kakaibang init sa loob ko. Pakiramdam ko nag-iba ang temperatura dito sa loob ng bahay niya.
I was breathing heavily at nakita kong pinagmamasadan niya ang bawat galaw ko.
"Baby..." he said with so much affection. I can't deny that my heart is thumping every time he's calling me that. Para akong bumabalik sa araw na naging kami. The saddest yet the happiest time of my life. Kasi dun ko lang naramdaman na may tao pa lang kaya akong mahalin.
"S-sir Luke..."
"What did I say to you?" Tanong nito na hindi man lang inalis ang pagkatitig sa akin. Naiilang ako sa sobrang lapit ng mukha namin.Konting galaw lang at mahahalikan na ako nito. Pakiramdam ko nagsisimula ng uminit ang pisngi ko pati buong katawan ko.
Nilagay niya ang kamay sa bewang ko at marahan niya akong hinila palapit sa kanya. Magkadikit na ang katawan namin at halos mabingi na akonsa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Napaka tahimik ng paligid na tanging hininga lamang naming dalawa ang nagpapaingay dito.
BINABASA MO ANG
Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at w...