My Mom and Dad is full of rage after knowing what happened to me for the past 14 years that I'm away from them. Kuya Natahan remained quiet but I know deep inside galit na galit ito. Kitang kita ko ang pag-iigtingan ng mga panga niya habang ikinukuwento ko sa kanila ang mga nangyari sa akin.
I told them everything simula kung paano ako namuhay kasama sina Tyong at Tyang. Ang pagiging labandera ko, ang pagpasok ko bilang katulong sa mga Contreras hanggang sa kung paano ako inapi ni Stella. Kung paano ako muntik mamatay nung tinulak niya ako sa pool dahil hindi ako marunong lumangoy, hanggang sa pagtira ko sa condo ni Luke nung niligtas niya ako. Ang pagkakatunton sa akin ni Tyong at ang pagpapalayas at pagpapahiya sa akin ni Madam Elena sa harap ng maraming tao.
Muntik pang mahimatay si Mom nung matapos kong ikwento ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko. Bigla na lang itong nanlambot at nahirapang huminga. Mabuti at napansin agad ito ni Dad kaya nakatawag agad ng doktor para ma-check siya.
Lahat binahagi ko sa kanila maliban sa namagitan sa amin ni Luke, pero alam ko na ramdam ng kuya kong inilihim ko ang tungkol sa amin ni Luke. Hindi ko binanggit sa kanila ang ugnayan namin, dahil wala na din naman itong silbi dahil ikakasal na siya kay Stella. Dama ko ang kirot sa puso ko pero kailangan ko siyang kalimutan gaya ng paglimot niya sa akin.
I don't know what's their plan ang tanging hiling ko lang sa kanila ay ilayo ako dito. Gusto kong kalimutan ang lahat ng sakit na aking naranasan sa murang edad ko. I want to forget everything...everything including him.
My family decided to bring me to US to fully heal myself. Kuya Nate decided to come with me together with Mom and Dad. Mananatili muna ako dito ng ilang araw at lilipad na kami ng pamilya ko doon. Everything about me is kept secret. Walang makakapasok na iba sa room ko dito sa hospital kung walang pahintulot nina Kuya. Even the doctors and nurses who's attending my needs ay may kasamang escort. Napag-alaman kong sa hospital pala na pagmama-ari ng pamilya namin ako naka-confine.
Pinakiusapan ko silang ilihim ang lahat tungkol sa akin hanggang sa maging ayos na ang lahat. Hanggang sa kaya ko nang harapin ang mga taong nanakit sa akin.
Napag-alaman kong partner ni Kuya si Gaden sa negosyo at alam niya rin na kapatid nito si Luke. Kaya pala hindi ko makontak si Gaden dahil nasa mission ito ngayon, hindi ko na tinanong dahil wala din naman na akong pakialam. Lahat ng may kinalaman kay Luke ay gusto kong kalimutan, kahit pa si Gaden. Pinakiusapan ko si Kuya na wag akong banggitin kahit sa kanya.
Ngayon ko lang din naalala na Doctor pala si Mom habang si Dad naman ay business man. Sabi ni Kuya, our family owned some of the biggest hospitals in and outside the country. Not only that, our family owned hotels and resorts. Ito daw ang naging libangan ng mga magulang ko nang mawala ako. Ito ang pinagkakabalahan nila habang hinihintay ang pagbabalik ko dahil kailanman hindi sila naniniwalang patay na ako. Lalong-lalo na ang Kuya Nate. I'm the reason why he put up his business that aims to provide security services. Naniniwala siyang buhay ako kaya hindi siya tumigil na hanapin ako. Sabi niya, dama nang puso niya na nasa paligid lang ako. Mabuti na lang at hindi niya ako sinukuan.
Nabanggit din ni Kuya na muntik pa daw maghiwalay ang mga magulang namin nung nawala ako dahil sinisisi nila ang isa't isa sa kawalan nila ng panahon sa amin ni kuya. Kaya kahit anong pilit ko sa kanilang ihatid lang ako sa US at iwan na ako doon ayaw nilang pumayag. Gusto daw nilang bumawi sa akin. Gusto nilang punan ang mga panahong nalayo ako sa kanila.
I found out that I was five years old nung nakidnap ako. Just a week after we celebrated my 5th birthday kaya pala yon ang una kong naalala. They did everything to trace me, pero ang van na ginamit nung kinuha ako ay sinunog at inabondona kaya hindi nila mahanap ang mga sakay. The kidnappers left with no traces, all CCTV footages were swiped out, kaya nahirapan sila kuya na hanapin ako. Malinis ang pagkagawa sa plano.
BINABASA MO ANG
Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at w...