Kakalabas ko lang sa mall dahil may binili ako at sabay nag-grocery na rin. Pero medyo malayo na ako sa main entrance kasi naglakad ako para makahanap ng taxi para maghatid sa akin sa condo. Papadilim na kasi at madami din ang naghihintay ng taxi sa tapat ng entrance.Hindi ko napansin ang oras kanina kasi nawili ako kakapili ng mga gulay at karne para sa mga lulutuin kong ulam. Ako lang mag-isa ngayon sa condo dahil mag-dadalawang linggo na si Luke sa Davao.
Napag-alaman kung nagcancel ang isa sa mga investors nila doon at kailangan niyang puntahan at personal na asikasuhin. Pero simula ng umalis ito isang beses ko pa lang siya nakausap. Ilang text messages na ang na-sent ko sa kanya pero wala man lang akong natanggap kahit isang reply mula sa kanya.
Nung isang beses tumawag ako sa kanya. Hindi ko naman ito nakausap dahil babae ang sumagot sa phone niya. Ang sabi nito ay nakatulog daw si Luke sa sobrang pagod nito. Yong lang ang sinabi niya tsaka binabaan na ako ng phone. Nung sinubukan kong tawagan ito ay naka-off na ang phone niya. Parang familiar sa akin ang boses niya peri hindi ko na lang pinansin.
Inintindi ko na lang baka kasi masyadong busy siya at baka malaki talaga ang problema niya sa kumpanya nila kaya hindi ko na lang din kinulit. Hihintayin ko na lang kung kailan siya babalik sa akin. Sana lang hindi siya magtagal at maayos niya kaagad.
Para hindi ako ma-bored, naisipan kung magpractice ng pagluto nang iba't-ibang putahe. Sabi ni Luke madali lang naman daw, magsearch lang ako sa youtube dahil may mga videos naman daw at yun ang ginawa ko kaya pumunta ako sa mall ngayon para bumili ng mga sangkap ng gusto kong lutuin.
May kabigatan itong mga pinamili ko pero kailangan kung makalayo sa pila para makahanap agad ako ng masasakyan. Kung may jeep na dadaana, magji-jeep na lang din ako kahit na siksikan pa ito. Basta kung ano ang unang dumaan sasakay na ako dahil malapit lang din naman itong mall sa condo ni Luke.
Medyo malayo-layo na rin ang nalakad ko nang pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Sinubukan kong balewalain ito ngunit pakiramdam ko ay ako talaga ang pakay niya. Huminto ako ng mapansing kong ilang metro na lang ang layo nito at nagkataon pang wala akong kasabayang naglalakad.
Halos lakad takbo na ang aking ginawa pero naging mabilis din ang mga hakbang nito. Nagsisimula ng bumundol ang kaba sa aking dibdib ngunit pilit ko pinapatatag ang aking sarili.
"Kumusta ka, Clea?"
Napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang mahinang boses na nasa aking likuran. Pakiramdam ko ilang hakbang lang distansya nito sa akin dahil klarong-klaro sa pandinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan.Pero kahit hindi pa ako lumingon kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari nito.
Hindi ako gumalaw dahil pakiramdam ko nagsiakyatan ang lahat ng dugo ko sa aking ulo sa sobrang takot. Nagsimula ng manginig ang mga tuhod ko at pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa aking dibdib sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Paano niya ako natunton?
Inilibot ko ang aking tingin sa paligid para tingnan kung kanino ako pwedeng humingi ng tulong. Nakita ko ang babaeng katapat ng condo ni Luke na nasa kabilang bahagi ng kalsada at nakatingin sa akin. Kahit pa nakasumbrero ito nakilala ko pa rin siya.
Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa nakita ko. Kahit hindi kami magkaibigan, nagbabakasakali pa rin akong tulungan niya ako sakali mang may gagawing masama ang taong nasa likuran ko ngayon.
Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya pero ngumisi lamang ito. Tinaasan niya pa ako ng kilay at nag-flying kiss pa ito sa akin na tila nang-uuyam. Napakunot noo ako sa ginawa niya dahil hindi naman yong ang inaasahan ko. Bakit parang natutuwa pa ito sa nakikitang takot sa mukha ko?
BINABASA MO ANG
Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at w...