Chapter 35

28.4K 770 122
                                    

As soon as I step my foot on his unit a familiar feeling invaded me. I miss the familiar scent, the warmth and peace when I'm with him in this place. Para akong bumalik sa unang araw na dinala niya ako dito sa condo niya.

Kahit ilang taon na ang nakalipas parang naririnig ko pa ang tawanan naming dalawa sa sala tuwing wala siyang pasok. Ang mga tawanan at tuksuhan namin sa tuwing nagluluto kaming dalawa sa kusina.

It's like this place is bringing me back to the times when I'm most happy, nung mga panahong kahit nababagot ako masaya pa rin akong naghihintay sa kanyang umuwi sa araw-araw.

Especially those times when he will say I'm his home. Nung mga panahong wala akong ibang iniisip kundi siya lang at paano ko siya mapapasaya. Yong mga panahong wala kaming problema.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, walang pinagbago maliban sa isang painting ng magkapareha na nakatalikod at nakaharap sa papalubog na araw. Naka-frame na ito ngayon at nakasabit sa living room niya.

That painting is familiar to me...because that painting is my first artwork. Ilang araw ko din yang pinagpuyatan. Kaya fine arts ang tinapos kong kurso dahil isa ito sa mga hilig ko,ang pagguhit.

Pero paano niya nahanap ang painting ko? I could still remember I left this painting sa mansion nila. Ginawa ko itong nung mga panahong nakipaghiwalay siya sa akin, nung panahong akala ko wala ng pag-asang magkabalikan kami. Nung mga panahong akala ko hanggang sa pangarap ko nalang siya makakasama.

Hindi ko na nakuha ang painting na 'to, dahil hindi na ako nakabalik sa mansion nila pagkatapos ng nangyari sa amin ni Stella. That painting is supposed to be my gift for him,pasalamat ko sana sa kanya dahil kahit sa maikiling panahon naramdaman ko kung paano magmahal.But things didn't turn out the way I expected it to be.

I can't still believe na andito ako ngayon sa unit niya. Never in my dream to set my feet again here dahil natatakot akong balikan ang nakaraan pero heto ako ngayon matapang na hinaharap kung ano man ang sakit na pinagdaanan ko sa lugar na to.

Nadako ang tingin ko sa entertainment room niya. A memory flashed back in my mind but I quickly dismissed the thought. I don't want him to feel that I'm still affected kahit yon naman talaga ang nararamdaman ko.

Andun pa kaya yon?

Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng maramdaman kong naglakad ito palapit sa akin.Pagkapasok namin kanina dumiritso ito sa kusina habang ako naman ay dito sa sala.

Inilapag niya sa harap ko ang juice at baked cookies. So, he is still baking pala. I thought kinalimutan niya na ito. It's our bonding before, baking for us is fun. Sa kanya ako natuto.

Ayaw ko sanang kumain dahil kakain ko lang naman. But I saw the anticipation in his eyes at ayaw ko siyang biguin kaya kumuha ako ng isa at sumubo. I motioned him to take one also and he did.

Napansin kong ilang cookies na ang naubos niya.Gutom ba siya?

"Have you eaten dinner?" Hindi ko na naiwasang itanong sa kanya, napansin ko kasing parang gutom siya. Kahit matagal na kaming hindi nagkakasama alam ko kung kailan ito gutom and it looks like he is hungry.

Napansin kong medyo pumayat siya simula nung huling pagkikita namin.edyo nangingitim din ang ilalim ng kanyang mga mata pero ganun paman hindi parin nabawasan ang kagwapuhan niya.

Nahihiya itong umiling sa akin. " I'm okay now...cookies are fine, especially that you're here."

I'm touched but I can't show it to him right now. Marami pa kaming dapat pag-usapan. Marami pa akong dapat klaruhin sa kanya.

Agad itong nagseryoso nang makita niyang wala man lang akong reaksyon sa sinabi niya.

"Can we talk now?" Tanong niya sa mababang boses, bakas ang kaba sa tono ng pananalita niya.

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon