I woke up the next day with a smile plastered on my face. Malapad ang ngiti kong dumalo sa hapag kainin na ipinagtataka ng lahat. Himala at di ako naduduwal kanina pagkagising ko. Hindi rin ako natakot sa tubig kaya maaga akong nakaligo.
Is it because of the strawberry ice cream with...never mind...that I ate earlier? Kung ganon araw-arawin ko ito. Payag kaya si Luke? Matanong nga mamaya.
Umuwi pala ito kaninang madaling araw para ipaalam sa akin na nagising na ang mama niya at tinatanong siya nito tungkol sa akin.
Nabigla pa nga ako ng sabi niyang hinanap ako ng mama niya at gusto daw akong kausapin.
Sakto naman schedule ng pre-natal check up ko ngayon kaya pagkatapos naming magpunta sa OB-gyne ko didiritso na kami sa mama niya.
"Happy ata ang pretty buntis namin?" bati ni Mom sa akin kaya malaki ang ngiti kong bumati sa kanya.
"Good morning my beautiful, Mommy..."I greeted pagkatapos bumeso din ako kay Dad." Good morning my handsome, daddy.. at sa pogi kong Kuya, magandang umaga."
Magkahawak kamay kami ni Luke kaya nakita ko ang simpleng pag-ismid ni Kuya.
"Good morning, princess." ako lang binati niya at tumango lang ito kay Luke.
Bitter talaga 'to si Kuya kahit kailan. How I wish talaga na magkaroon na ng girlfriend si Kuya baka sakaling mabawasan ang sobrang pagkaseryoso nito.
Luke informed my parents about his mom's condition. Pinagpaalam niya rin ako kung payag ba silang makipagkita ako sa mama niya. This is what I admire about him. He always consider my parents' opinion.
Mom and Dad don't have any problem basta siguraduhin lang daw ni Luke na ligtas ako. Si Kuya naman nag-alangan nung una pero wala na itong nagawa ng si Mommy mismo ang nagbigay ng permiso sa akin.
I can't blame din naman kung ganito sila ka strikto. They're just after my safety, pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan ko.
Swerte lang din ako at mahaba ang pasensiya ni Luke. Kahit pa sinusungitan siya ni Kuya di talaga ito sumuko.
Alam kong pinakisupan niya ang mga magulang ko tungkol pagbisita niya sa akin dati dito pati na itong pansamantala niyang pagtira dito sa mansion para maalagaan ako. Hindi ko alam kung ano pa ang napag-usapan nila basta napansin ko na lang na welcome siya dito sa mansion.
Madalas ko nga sila nakikitang nagkukwentuhan nina Daddy at Mommy. Minsan sumasali din naman si Kuya. Kahit papano hindi na ito nagagalit kay Luke yon nga lang minsan nahuhuli ko itong umiismid. Pero okay na din yon atleast bati na sila.
Paano kaya si Kuya Nate 'pag nagka girlfriend siya? Ganito pa din ba siya ka strikto or kasing clingy kaya si ni Luke? Is he territorial as well or chill lang?
Does he have one before or never siyang nagka-girlfriend?
I took a glance at my brother. Ang pogi kaya nang Kuya ko, swerte ang babaeng maiibigan niya, gwapo na resposable pa.For sure maalaga 'to yun nga lang feeling ko possessive type si Kuya, baka itali niya ang magiging girlfriend niya sa tabi niya. I just hope that my brother will find a woman that will love him unconditionally tsaka yong mabait, maalaga tsaka maganda.
"I'll come with you to the hospital, princess. I want to hear gummy's heartbeat. " sabi ni Mom at agad din namang sinegundahan ni Dad. Akala ko hindi sasama si Kuya pero sabi niya bakante daw siya ngayon. If I know, excited din siyang makita ang pamangkin niya.
So all of us went to the hospital. Si Mom dun na din daw mag-oopisina pati si Kuya kaya si Dad lang ang aalis pagkatapos ng check up ko.
I thought kami lang ng mga magulang ko pero nagulat na lang ako dahil andito ang mga kaibigan nila ni Kuya. Gaden, Derick and Calyx are there waiting at the lobby at tila mas excited pa ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at w...