Chapter 33

28.1K 784 184
                                    

Pagkapasok ko ng sasakyan ay agad nag-uunahan ang aking mga luha. Hindi mabura-bura sa isip ko ang malulungkot niyang tingin kanina. Bakit kailangan niyang magpanggap na nasasaktan siya? Diba siya naman ang nang-iwan? Siya naman ang nakalimot sa mga pinangako niya sa akin? Pero,  bakit parang siya pa ang nasasaktan ngayon?

Why I still have to feel this pain? Ilang taon na ang nakalipas pero bakit ang sakit-sakit pa rin? Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Hanggang kailan ko ba siya iiwasan? Napapagod na ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kung maramdaman.

Ilang beses ko ng napapansin ang pagsunod-sunod niya sa akin. Hindi ba siya napapagod? Dahil ako pagod na. Gusto ko nang malimutan ang sakit pero hindi ko alam papano ako uusad kung araw-araw siyang nagpaparamdam sa akin. 

I can't deny that I still have feelings for him,pero takot ako...takot akong masaktan uli. Takot akong harapin ang katotohan, takot ako sa maaring mangyari. Madami akong takot na naramramdaman sa tuwing iniisp ko siya. Takot akong marinig ang mga rason niya. Takot akong marinig muli ang masasakit na salita mula sa ina niya.

Hindi na lang ito tungkol sa aming dalawa. Damay na mga pamilya namin. Pero ano ba ang mahalaga? Ano ba ang una kung iisiapin. Tama bang kalimutan ko na lang siya? Pero sa tuwing iniisip ko yon, para akong nasasakal sa sakit. 

I hate this...I hate the truth that I still feel something for him, despite the fact the he abandoned me. I hate that I still care about him. I hate that I still...I still love him. 

Damn! 

Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko? Ang dami kong katanungan pero hindi ko alam saan ko hahanapin ang kasagutan.

Ano ba kasi ang nangyari? Ang saya-saya pa namin bago siya umalis noon pero bakit biglang nagbago ang lahat? Bakit sa isang iglap tinalikuran niya ang masasayang alaala namin? Ganun lang ba kadali sa kanya ang lahat? 

Hindi man lang ba niya ako hinanap? Wala ba siyang naramdamanan nung mawala ako sa kanya? How's his life ba nung nawala ako? Minsan ba sumagi  ako sa isip niya? Dahil ako kahit anong deny ko sa aking sarili,kahit anong pilit kong balewalain ang lahat sa amin, siya parin...siya pa rin ang laman nito.

I can still remember how he promised to take care of me and that he will never leave me. Pero bakit nagawa niya akong iwanan?

Ang dami-daming tanong sa aking isip at mga alaalang pilit na bumabalik. Kahit anong pilit ko sa aking sariling kalimutan pero nagsusumiksik parin ito sa aking isipan.

I tried many times to forget him pero bakit hindi ko magawa. Ngayong bumalik ako dito sa Pilipinas para ding bumalik lahat ng alaala ng mga masasayang araw naming dalawa.

Taba Calling....

Ayaw ko na sanang tumuloy sa dinner namin ni Hugo pero kanina pa tumutunog ang phone ko.

I want to decline, pero nahihiya din naman akong hindi siya siputin. Wala naman siyang kasalanan kung nasasaktan man ako ngayon. So instead of remembering the past, pinili kong sagutin ang tawag ni Hugo. Inayos ko muna ang aking sarili para hindi niya mahalata sa boses ko na kakaiyak ko lang.

"Hello Hugo..."

"Pangit, are you okay? bakas ang pag-aalala sa boses niya kaya tuloy parang sinundot ang aking konsensya.

"Yeah, I'm fine..." I answered in a low voice.

"Are you sure? You sounded off..." dinig ko ang pabuntong hininga niya. " If you're not feeling well, better rest. We'll just schedule our date next time."

Lalo tuloy akong nakonsensya dahil sa mga sinabi niya. How can I be so rude to him? Ang ayos ng usapan namin bakit ko naisipang e-cancel dahil lang sa nakita ko si Luke.

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon