Chapter 31

29.8K 775 161
                                    

The remaining days of the week are just normal. Maaga akong pumapasok at maaga rin akong umuuwi. After that mall incident, kinausap ako nina Ma'am na mag-ingat kay Stella kaya napagpasyahan kong  wag munang gumala at dritso uwi na lang sa mansion. 

Dati pa daw talaga may pagka bayolente na si Stella. Ilang kaklase din daw nito nung college ang sinaktan niya. Even with her workmates. Wala lang pumapalag dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang pamilya.

I found out that Mom, Tita Elize Valderama , Elena Contreras and Regina Alonzo are bestfriends during college. Nagkaaway lang ang mga ito ng magsimulang magkagusto si Regina sa boyfriend ni Tita Elize na ngayon ay asawa niya na si Tito Vince Valderama. Dagdagan pa nang inggit nito kay Mom dahil mas matalino ito sa kanya.

Sabi pa ni Mom, dati na daw talagang palaaway si Regina at naimpluwensyahan lang nito si Elena. Ito daw palagi ang promotor ng gulo nilang dating magkakaibigan.

Mom didn't go into detail basta ang sabi niya lang sa akin palagi akong mag-iingat at kung maari iwasan ko na lang si Stella para sa ikakatahimik din ng buhay ko. 

Sinunod ko ang payo ni Mommy dahil ayaw ko din naman ng gulo. Gusto ko lang mag-chill chill sa buhay. Life is good when your surrounded with good people.

I continue with my training. Sinasama ako ni Dad sa mga meetings niya para masanay akong makipaghalubilo sa malalaking tao. My training for personality development in US helps me a lot dahil hindi na ako masyadong kinakabahan. Gaya na lang ngayon, haharapin kong mag-isa ang ka-meeting sana ni Dad kasi may emergency siya sa ibang branch namin.

"Ma'am Nathalia, nasa meeting room na po ang investor." Ani Grace sa akin na nakasilip sa pintuan ng inner office ko. 

"Okay Grace, coming..." I replied. Lately napapansin kong hindi na ito natataranta sa tuwing nakikita ako and I'm happy about it.

I fixed myself quickly. Pinadaanan ko ng aking palad ang aking damit baka sakaling nagusot ito. I'm wearing taupe high waited dress pants, paired with white blouse and white blazer. For my sandal I choose to wear, my 4 inches Amina Muaddi Gilda crystal embelished satin sandals beige color para matangkad ako tingnan.

"Who's the investor again, Grace?"

Tanong ko habang naglalakad kami papuntang meeting room. Bakit ko ba kasi nakalimutan ang pangalan niya? Nakakahiya kay Dad ilang beses pa naman niyang inulit ito sa akin.

"Hugo Villareal po Ma'am, he's the representative of his father kasi may emergency daw po sa ibang site nila."

"Hugo Villareal? Ilan sila?" I asked.

"Siya lang po mag-isa Ma'am." sagot nito na may nakatagong ngiti. I know that smile, she's shipping us. But I'm not ready for that...pero let's see, baka pwede.

"Gwapo Ma'am, bagay kayo." dagdag pa nito. 

I just nodded at her. Maloko di pala ang babaeng 'to. Tingnan nga natin kung gwapo nga ba.

Hugo Villareal is familiar. I think I heard his name somewhere, I just can't remember. Pagkarating namin sa tapat ng meeting room inutusan ko na si Grace na bumalik na lang sa office, anyway dala ko naman ang MacBook ko just in case may makalimutan akong detalye.

I slowly opened the door and saw a man standing and facing the glass wall. His tall at mukhang gwapo kahit nakatalikod. His manly scent scattered around the room. Sobrang bango naman nitong bisita ko na halos manuot sa ilong ko ang kanyang pabango. But in fairness I like the smell, dagdag pogi points. Bumaba ang tingin ko sa pang-upo niya and..."Sh*t!"  I mentally cursed. Why am I checking him out? I blushed at that thought, nakakahiya. I'm not like this before, medyo naimpluwensiyahan lang ako ng mga kaibigan ko sa states.

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon