Chapter 3

33.3K 1K 260
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi ko namalayan na magtatatlong buwan na pala ako dito sa mansion nang mga Contreras. 

Nung nakaraan tumawag ako kina Ate Jean kinumusta ko si Tiyang ang sabi niya umalis na daw si Tiyang sa bahay nila. Wala ding nakakaalam kung saan ito pumunta. Hindi din naman kasi close si Tiyang sa mga kapitbahay kay siguro wala itong sinabihan.

Kahit hindi maganda ang trato ni Tiyang sa akin noon, hindi ko parin maiwasan na hindi mag-alala sa kanya. Kahit papano malaki pa rin ang utang na loob ko dito dahil inalagaan niya ako nung maliit pa ako.

Nakiusap na lang ako kay Ate Jean na sakaling may balita siya kay Tiyang sabihan niya ako. Gusto ko kasing padalhan nang pera si Tiyang para may panggastos ito. Naisip kong baka umalis ito nang bahay dahil naghanap nang trabaho. Gusto kong matulungan si Tiyang kahit sa ganitong paraan makaganti man lang ako sa kanya.

"Huy girl!" panggugulat sa akin ni Gina.

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa pagkagulat. May pagkaloka-loka din kasi ang babaeng ito. Pero in fairness, masaya siyang kasama. Palagi akong natatawa sa mga kalokohan niya. Kung ano-ano lang din kasi ang lumalabas sa bibig nito yung iba nga bastos na. Kaya minsa napapagalitan ito ni Nana kapag naririnig nitong kung ano-ano ang tinuturo ni Gina sa akin.

Tatlong taon pala ang tanda nito sa akin, kaya close kami dahil hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Halos magkasundo kami sa lahat nang bagay maliban na lang sa pagiging bastos nito kung magsalita. I mean yong mga jokes niya may laman, palaging double meaning.

"Ano ka ba naman Gin, nanggugulat ka na naman eh." reklamo ko. Ilang beses ko na kasi itong sinasabihan na wag akong gulatin pero ginagawa pa rin nito. At ang mas nakakainis ay tuwang-tuwa ito pag nakikita niya ang nagiging reaksyon ko.

Ewan ko ba ako ata yong tipo na kapag ginugulat para akong ninerbyos. Pakiramdam ko umaakyat yong dugo ko sa aking ulo. Minsan nanginginig pa nga ako. Naalala ko pa nga na  nakabasag pa ako nang baso nung ginulat ako ni Sir Luke. 

Speaking of Sir Luke, minsan lang ito umuuwi dito. Simula nung unang araw ko dito siguro nasa tatlo o apat na beses lang itong pumunta dito. Ang sabi nina Nana ganun daw talaga ang mga ito kahit na sina Madam, madalang daw talaga ang pagbisita nila dito sa mansion.

May ganun pala noh? Iba pala talaga 'pag mayayaman. Siguro sa dami nang bahay nila hindi na nila alam kung saan talaga mamalagi. Bakit ba naman kasi trip nang mga mayayaman magpagawa nang madaming bahay? Tulad na lang kina Madam, madami silang bahay e isa lang naman ang anak nila.

Tsaka si Sir Luke may sarili din siyang condo sa syudad. Sabi ni Nana doon ito namamalagi kasi nga busy ito sa negosyo nila.

"Huy girl, tulaley ka na naman? hanggang ngayon iniisip mo pa rin ba ang Tiyahin mo?" tanong ni Gina sa akin.

Alam nang mga kasamahan ko dito sa bahay ang nangyari bago ako napadpad dito. Kinuwento ko sa kanila dahil nung bago pa ako ilang beses nila akong nahuhuli na umiiyak. Syempre hindi maiwasan, kahit naman ganun si Tiyang siya na ang nakalakhan ko, kahit papano nami-miss ko rin ito.

Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago sinagot ang tanong ni Gina.

"Oo Gin, hindi ko kasi maiwasang mag-alala kay Tiyang lalo na ngayong walang nakakaalam kung saan ito pumunta."

"Hay naku girl, matanda na yong Tiyahin mo, for sure kaya nun dumiskarte para sa sarili niya. Ano ka ba? Tsaka girl wag ka ngang masyadong concern dun. Hindi naman maayos ang trato nang Tiyahin mo sayo noon." malditang sagot nito.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan Gin, si Tiyang lang ang meron ako. Kahit ganun ang trato niya sa akin okay lang. Siya lang kasi yung nag-iisang kamag-anak ko."

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon