After what happened to my home coming party I got busy 'coz I have to start training to manage our business. I have to help Mom and Dad kasi nagkakaedad na sila. I want them to enjoy their remaining days hindi lang yong puro trabaho. They already given me enough, it's time for me to pay them back.
Kuya is also busy with his security agency. Minsan umuuwi ito sa mansion but most of the time nasa condo niya kasi mas malapit lang sa kanyang work place. But from time to time he's checking on me. He always make sure na okay lang ako, kami ni Mom at Dad.
The security in our mansion is tight, even in our building. He also assigned body guards for me pero hindi ko sila nakikita kasi sabi ko kay kuya hindi ako komportable.
"Good morning, Miss Castillo." the employees greeted in unison as soon as I step inside our building. Malapad na ngiti ang binigay ko sa kanila. I don't want them to feel intimidated with my presence. I want them to feel comfortable while working with me. Mas magaan sa pakiramdam kung alam mong masaya ang mga katrabaho mo. Sooner they will be working with me as soon as Dad will retire.
But also I made sure that the relationship between employee and employer is there. Ayaw ko din naman na abusuhin nila ang kababaitan ko, that's what I learned from Dad and Mom. Nasaksihan ko din kung gaano kaayos ang pakikitungo ni Dad sa mga employees niya kaya ganun din kalaki ang respeto ng mga 'to kay Dad. He's not the terror type of boss, he always have a compassionate heart towards his employees that made me so proud of him. He may looked strict but deep inside, sobrang bait ni Daddy just like my Kuya Nathan.
Si Kuya Nate naman ang magmamanage sa hospital if Mom decided to retire. Matagal na din namang tumutulong si Kuya Nate sa kanya kaya alam na nito ang pasikot-sikot sa operation ng hospital. Sabi niya he will train me as well after kong matapos ng training kay Dad. Dalawa lang kasi kami so kami-kami lang din ang magtutulungan.
Magaling talaga si kuya Nate kasi kaya nitong pagsabayin ang pagmamanage ng agency niya, the hospital plus I think ang pagiging personal bodyguard niya? I don't know...I'm not sure hindi din naman ito nagkukwento sa akin pagdating sa trabaho niya. Basta ang alam ko lang he's doing well...according to him.
"Good morning, everyone." I replied back and continue walking towards the private lift. I saw the smile in their faces after I greeted them back.
Maaga akong pumapasok kasi ayaw kong mabuhol sa traffic. I'm driving by myself now, natuto akong magmaneho nung nasa states pa ako. I want to be independent, ayaw kong may driver kasi gusto ko mabilis akong makaalis kung may pupuntahan man ako. Hindi naman ako nababahala kasi sabi ni kuya may nagbabantay naman na sa akin.
Sa ilang araw kong pagmamaneho I always notice this car following me, pero kapag dumarating naman ako sa opisina agad din itong nawawala. Just like this morning, pagkalabas ko sa subdivision namin nakasunod na ito. Inisip ko na lang na baka kasama ito sa mga nagbabantay sa akin. Minsan nararamdaman ko silang sinusundan ako, though hindi ko sila kilala but I can feel their presence. Lalo na kapag tinatawagan ako ni kuya at tinatanong kong bakit ako pumunta sa ganito o ganun.
"Good Morning, Miss Nathalia." my secretary greeted. Natataranta pa itong tumayo kaya tumawa ako sa kanya.
"Good Morning, Grace. Relax, ako lang to." I joked. Hindi ko alam pero parang natataranta itong si Grace kapag nakikita niya ako. Maybe because it's her first job?
"Pasensya na po Ma'am." nahihiyang paumanhin nito. I nodded and smiled at her. "By the way Ma'am may delivery po kayo."
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. " This early? ang aga naman ata ng delivery na yan."
Umalis ito sa pwesto niya at kinuha ang bulaklak na ipinatong niya sa table sa may receiving area. " Ito po Ma'am, may card pong nakaipit dyan."
"Oww..kanino kaya galing to?" sabi ko habang tinitingnan ang bouquet ng white tulips. May card ngang nakaipit. "Thanks, Grace." I said bago ako pumasok sa loob ng opisina ko. Doon ko na lang babasahin kung kanino galing.
BINABASA MO ANG
Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at w...