Chapter 42

29.4K 773 133
                                    

Nagising ako kinabukasan na halos bumaliktad ang aking sikmura. Naglalaway ako at halos ilabas ko na lahat ng laman ng aking tiyan. I didn't know that having gummy inside me is as hard as this. Nasusuka ako ng hindi ko alam.

"Baby?" agad akong dinaluhan ni Luke. I can't even stand kasi naghihina ang mga tuhod ko sa labis na pagsusuka. Inalalayan niya ako para makatayo at pinamumog niya ako bago kinarga pabalik sa kama ko. 

Naiiyak ako dahil kakalapag niya pa lang sa akin gusto ko na namang tumakbo pabalik sa banyo dahil nasusuka ako ulit.

"It's okay, Baby. We can do this." marahan niyang hinaplos ang likod, kahit papano nawala ang aking pagduduwal. Paano kung ako lang mag-isa? Paano kong nasa opisina siya? Hanggang kailan ako magigising ng ganito araw-araw?

"Ssshhh....Stop crying, Baby..I love you..." 

The more he is consoling me the more I cried. Silly me, I cried for very shallow reason. My sobs became louder at pati ako naiirita na rin sa aking sarili. But I can't stop my tears, the more I tried hard to stop the more tears streaming down my face. Too early for this drama but I can't hold back my emotion. Nahihirapan na akong huminga sa sobrang pag-iyak.

Ano nga bang iniiyakan ko? 

"Nathalia?" nag-aaalala ang mukha ni Mommy na dumalo sa akin. " What happened, princess? Why are you crying? Are you hurt?" sunod-sunod na tanong ni Mom na lalong nagpaiyak sa akin.

Gusto ko ng pagalitan ang sarili ko. This is not good anymore. 

"What happened, Luke?" baling ni Mom kay Luke ng hindi ako sumagot. 

"Morning sickness po, Tita." magalang na sagot niya kay Mom at agad naman itong naintindihan ni Mommy.

How did he know about that? And by the way,  why is he here this early? Dito ba siya natulog? As far as I can remember pinatulog niya ako kagabi pagkatapos sabi niya aalis siya para bantayan ang mommy niya, pero bakit andito siya?

"May sakit po ba ako, Mommy?" I asked.

I want to know if I'm sick or what? Baka ganito ang mga kilos ko dahil may malubha na pala akong karamdaman. 

"Silly" natatawang sagot ni Mom sabay haplos sa buhok ko. "It's normal for expecting mom to experience these changes, Princess. But, you'll be fine soon..."

Tumango ako kay Mom at pinalis ang luha sa aking mukha. Mabuti naman at dala lang pala ito ng ipinagbubuntis ko. I can't stand myself acting like this ..like crazy.

"...But for now, you have to get up from your bed and eat your breakfast. You have to feed yourself and baby gummy...okay?"

Agad hinanda ni Luke ang bath tub dahil akala niya maliligo ako pero ewan ko ba parang ayaw kong basain ang aking katawan.  Kaso nahihiya din naman ako dahil nag-effort pa siyang ihanda ang paliguan ko tapos di naman pala ako maliligo. Hindi naman siguro ako mangangamoy kung sakali man, diba?

Matagal ko munang pinagmasdan ang tubig bago ako nakapagdesisyong maghalf-bath na lang. Yong buhok ko na lang ang hindi ko babasain. It's really weird pero ayaw ko talagang basain buong katawan ko. Good thing is mahaba ang pasensya ni Luke sa akin, siguro kung iba ito iisipin  nilang nag-iinarte lang ako. 

I finish taking a bath quickly, para akong pato na nagmamaldalaing ilublob ang sarili ko sabay ahon. Mabili lang din ang pagsabon ko sa aking katawan at si Luke na ang nagbanlaw sa akin. Nakakahiya dahil hindi man lang umabot ng sampung minuto ang pagligo ko, samantalang nung hindi pa ako buntis kulang pa ang isang oras kung makababad ako sa banyo.

Si Luke na rin ang pumili ng damit na susuotin ko at siya na rin ang nagbihis sa akin. Daig ko pa ang batang alagain kong makaasta at matiyaga naman si Luke na pinagbibigyan ang gusto ko. Inayos niya pa ang pagsuklay ng buhok ko pagkatapos siya pa ang nagtali nito. 

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon