Chapter 10

30.6K 849 218
                                    

It's been six months pero ganun pa din ang sakit na aking nararamdaman sa tuwing naalala ko ang mga sinabi niya sa akin nung nakipaghiwalay siya. Gustuhin ko mang ipaglaban ang nararamdaman ko noon para sa kanya pero wala nang pag-asa pa. Siya na mismo ang nagdesisyon kung ano ang higit na makakabuti sa aming dalawa.

Pagkatapos nang araw na yon hindi ko na siya nakita.Nabalitaan ko na lang kina Nana na nasa ibang bansa na pala ito. Siguro pinili niyang magpa kalayo para ayusin ang kanyang sarili. Para buuhin ulit ang puso niya.

Pero kahit ilang buwan man ang lumipas pakiramdam ko lalong nadagdagan ang pagmamahal ko sa kanya. Nung nawala siya sa akin doon ko natanto na mahal ko na pala siya. Kahit alam kong wala namang kahihinatnan tong nararamdaman ko sa kanya ayos lang. Hihintayin ko na lang na mapagod ang puso ko.

"Girl, malungkot ka na naman?" Ani Gina.

Siya lang ang naging sumbungan ko sa lahat. Kahit hindi ko man sabihin sa kanya kung anong nararamdaman ko para kay Sir Luke hanggang ngayon alam kong may idea ito ngunit nirerespeto niya lang ang pananahimik ko.

Nawala na rin ang dati kong sigla. Alam kong pansin ito ng lahat nang mga kasama ko dito sa bahay pero walang naglakas loob na tanungin ako. Patuloy lang nila akong sinusuportahan. Palagi nila akong pinapatawa at nililibang.

Minsan bigla na lang akong natutulala. May mga pagkakataon din hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.

Naawa ako sa aking sarili pero kasalanan ko din naman. Umasa ako sa kanya. Nung tumalikod siya sa akin gusto ko siyang habulin.Gusto kong sabihin sa kanya na handa akong maghintay kung kelan siya maging handa pero wala akong lakas para sabihin iyon sa kanya. Pinili ko nalang tanggapin ang desisyon niya.

Natatakot akong baka paghinabol ko siya hindi ko kalayanin kung tatanggihan niya ako ulit. Hanggang ngayon tanda ko pa ang mga huling salitang binitawan niya para sa akin.Hindi pa siya handa...hindi pa siya handang pakawalan si Maam Ava.

"Tama na girl...ilang buwan na rin...nami-miss ko na ang dating Clea. Yong Clea na masiyahin." Malungkot na sabi ni Gina.

Napalingon ako kay Gina dahil biglang pumiyok ang boses niya. Doon ko lang napansin na naluluha na rin pala ito.

"Makakalimutan mo rin siya...mapapagod din yang puso mo...isipin mo na lang na isa siyang bahagi nang nakaraan mo."

Tumango-tango ako sa kanya pero yong luha ko wala namg tigil sa pagbuhos sa aking mukha. Hanggang kailan ako maging ganito? Hindi naman nagtagal yong relasyon namin pero bakit sobrang nasaktan ako.

Siya ang una kong pag-ibig at siya rin ang unang nanakit sa puso ko. I know that he don't mean it, ako lang naman kasi ang umasa.

"Sana nga Gina...pinapanalangin kong mapagod na itong puso ko. Sobrang sakit na kasi Gin...sobrang sakit na pakiramdam ko dinudurog ako nang paulit-ulit. Alam ko namang walang katugunan itong nararamdaman ko sa kanya, kaya sana tumigil na ang pagtibok nitong puso ko para sa kanya." Di ko na mapigilang mapahagulhol. Sinusuntok-suntok ko pa ang aking dibdib para kahit papano magiging manhid ito.

"Tama na girl...tama na...bata ka pa naman makakalimutan mo pa siya...may darating pang para sayo sa tamang panahon."

Ipinagpatuloy ko ang aking buhay.Tama si Gina bata pa ako mas marami pang bagay ang dapat kung harapin kesa sa problemang puso. May mga bagay pa na mas makabuluhan kesa dito.

Lalo na ngayon na parang may bumabalik sa aking alaala. Palagi akong nanaginip sa isang batang lalaki. Pero kapag nagigising naman ako hindi ko na maalala ang mukha niya.

Unti-unti akong bumalik sa dati kong sigla. Mabuti at palaging andyan si Gina kasama ang bago namin hardinero na pinsan ni Gina na si Ric, siya ang pumalit kay Gaden.

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon