Chapter 38

28.9K 753 166
                                    

After that night naging maayos ang lahat sa pagitan nina Luke at ng mga magulang ko. Si Kuya,  tahimik lang but I think okay na man din sa kanya. Nakikipag-usap na din naman ito kay Luke kahit papano. 

Though minsan nakikita kong kumukunot pa rin ang kilay ni Kuya sa tuwing nahuhuli niya kaming nagbubulungan o di kaya naglalambingan  ni Luke. Kung ano-ano din kasi ang kalokohang sinasabi nito sa akin. 

Simula nang maging open kami kina Mom at Dad hindi nahihiya si Luke na ipakita sa kanila kong gaano ito ka lambing sa akin. He's very clingy at halos ayaw ng humiwalay sa akin. Kung pwede nga lang sigurong ilipat lahat ng gamit niya dito sa mansion ginawa niya na.

Hindi na din masyadong bugnutin si Kuya ngayon, yon nga lang masyado naman itong tahimik. Mas tahimik pa sa dating siya. One time, narinig ko sa usapan nila Gaden na wala pala dito sa bansa si Veronica. 

Tinutukso niya pa si Kuya na sundan ito pero as usual halos di rin naman masyadong nagsasalita si Kuya sa kanya. Hindi ko nga alam paano sila naging magpartner sa negosyo dahil sobrang opposite silang dalawa ni Gaden. Gaden is so loud while Kuya's so quiet na halos wala ng kinakausap.

I remember na nakita ko na pala si Veronica dati. Siya pala yong kaibigan ni Gaden na kinita namin sa mall dati. Tsaka nalaman ko ring bunsong anak pala siya ni Tita Elize yong bestfriend ni Mom. Ang eldest nila ang napangasawa ni Ava at kaibigan naman ni Luke yong pangalawa si Derick.  What a small world...

Mabilis din na lumipas ang mga araw.  Parang kelan lang nung nagkabati kami ni Luke, ngayon magdadalawang buwan na kaming magkasintahan. Kung dati nag-aabang lang si Luke sa akin sa labas ng mansion,  ngayon labas masok na ito dito. Nang gabing yon, maayos siya nagpaalam kina Dad kung maari niya ba akong ihatid sundo sa trabaho. Kulang na nga lang din na hilingin nitong dito na siya titira sa amin. Kung hindi ko lang siguro ito pinigilan baka pati yon hiniling na. 

Kukontra pa sana si Kuya kasi may mga body guards naman daw na nakasunod sa akin pero wala din siyang nagawa ng pumayag si Mom. I could still remember his look that night. Mukha itong talunan nang pumayag si Mom na pwede akong hatid sundo ni Luke plus pwede pa akong bisitahin nito anytime.

Naalala ko pa ang mga mukha nila nung sinabi ni Luke na handa na itong magiging Tatay. Si Mom at Dad ay tawa lang ng tawa nang makabawi pero si Kuya Nate halos umusok ang ilong nito kay Luke. 

Ano ba kasi ang pumasok sa utak ni Luke at sinabi niya pa yon sa mga magulang ko? Pero cool lang si Mommy at Daddy, feeling ko nga excited pa itong magka-apo. Kapag naiisip ko nga yong kalokohan ko pati ako natatawa.

Si Kuya Nate lang talaga ang medyo mahirap paamuhin sa lahat.Pero kahit ganun ka strikto si Kuya, I'm still thankful that he's my brother. I know that he's just acting like that to protect me. I know that there's a big scar in his heart when I'm kidnapped kaya naiintindihan ko ang takot  at pag-aalala niya para sa akin ngayon. I'm so lucky to have a brother like him. Overprotective but I like it.  Dama ko ang pagmamahal ng kapatid ko sa akin.

Naiintindihan ko din na para sa kapakanan ko ang lahat ng ginagawa niya dahil hanggang ngayon di pa rin nahuli ang mga kumuha sa akin noon. Pero sabi ni Kuya konti na lang, malapit na nilang mahanap kong sino ang mastermind sa lahat.

"Here's your order Ma'am." 

Nakangiting saad ng waiter sabay ayos ng order kong berry yogurt parfait tsaka red velvet cheese cake. These days, ito yung cravings ko. Hindi naman ako mahilig neto dati pero ngayon gustong-gusto ko na. Weird dahil tingin pa lang naglalaway na ako.

Mag-isa lang ako ngayon dito sa mall kasi may business meeting si Luke. I just informed him kung saan ako kasi gusto niyang updated sa lahat ng lakad ko, pero di ko sinabi sa kanya ang rason kung bakit andito ako ngayon.

Tainted Series#1: The Billionaire's Lover ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon