Chapter 3: BukinganNgFeelings

45 1 0
                                    

Andrei's POV:

Naiwan akong mag-isa sa labas ng Rob matapos magsiuwian ang mga kaibigan ko.

Nakangiti akong tiningnan ang relos ko.

"3:16pm...tanghali na pala!"

Sa tagal naming nagkakasama ng mga kaibigan ko sa araw na ito, ni hindi ko naramdaman ang pagod sa katawan. Dahil na din siguro iyon sa sayang dulot nung mga kaibigan ko. Kahit pa siguro may mga bagay na hindi kaaya-ayang nangyari, hindi iyon ang naging rason para hindi namin i enjoy ang pagkakataong ito. Kaya naman, nakangiti akong hinugit ang phone ko mula sa aking likod at di-nial ang numero ni Mang Ceasar.

Munit, habang nag-da-dial, ay may nabangga akong tao dahilan para tumapon ang cellphone ko. Inis kong dinampot ang phone ko. Samantalang nagpatuloy lang ito sa paglalakad na animo'y walang nangyari.

"Hindi mo ba tinitignan ang dinadaanan mo?!"angil ko sa kanya dahilan para ito'y mapahinto sa paglalakad.

"Kasalanan ko?!"sagot niya ng hindi humaharap.

Bago pa man ako makapagsalita, dahan-dahan itong lumingon sa gawi ko dahilan para magulat ako.

"I-ikaw?!"ngumisi siya.

"Ako nga!"prenteng sagot niya tiyaka lumapit sa akin.

"Pwede ba mag-ingat ka din minsan? Paano nalang kung nasira ang phone ko!"inis kong tugon.

"E di babayaran ko!"mayabang niyang sagot. Sinimangutan ko siya.

"Hindi ka man lang mag-so-sorry?"

"Ba't ako mag-so-sorry?"ika niya, "..alam mo? Kung makapag demand ka?..akala mo kung babae ka. Bading ka ba?"

*PAK*

"Gago ka pala e!"hindi ko napigilan ang sarili ko sa huling sinabi dahilan para masapak ko siya sa pisngi. Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin at pinahiran gamit ang kamay ang dugo mula sa labi niya.

"Ikaw na nga tong may kasalanan, ikaw pa may karapatang magreklamo, huh?!"sa galit ay hinila ko ang nakasuot niyang jacket dahilan para mas lalo itong mapalapit sa mukha ko. Ngumisi lang siya at tiyaka niya hinawakan ang dalawang kamay ko na nakahawak sa kanyang mga jacket.

Deretso ang tingin niya sa akin nang biglaan niyang puwersahin ang kamay ko dahilan para mapatili ako sa sakit at makawala sa pagkakahawak sa jacket niya.

Matapos kong mabitawan ang jacket niya, ay tinulak ako ng malakas.

"Pasalamat ka yan lang ang kaya kong gawin. Hindi kasi ako pumapatol sa mga taong walang kalaban-laban katulad mo. Mangmang!"madiing aniya sa mukha ko.

Hindi na ako sumagot pa matapos niya akong talikuran at maglakad papalayo sa gawi ko.

Hawak-hawak ko ang kanang kamay ko dahil sa sakit. Sa pagkakaalam ko, ay ito ang mas napuruhan sa pamumuwersa niya.

Naupo na muna ako sa isang tabi habang tinatawagan si Mang Ceasar. At ilang saglit pa ay dumating na siya.

"Kumusta naman ang bonding niyo ng mga kaibigan mo?"tanong niya habang nagmamaneho pauwi ng bahay.

"Okay lang naman po!"tanging sagot ko.

Pilit kong hindi pinahahalata na namimilipit ako sa sakit sa kanang kamay ko. Pero dahil sa hindi ko mabitawan, napansin iyon ni Mang Ceasar dahilan upang ito'y magtanog.

"Napaano yan?"maya-maya pa'y tanong niya.

"A-ah, wa-wala po to manong!"sagot ko. Habang namimilipit sa sakit.

Hidden Desires The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon