Chapter 17

18 1 0
                                    

DRAKE's POV:

Galing pa kami ng mga kaibigan ko sa aming department at patungo sa gymnasium para manood ng basketball player ng maisipan naming dumeretso na muna sa food stall para makabili na ng mamemeryende upang di na kami lumabas pa mamaya.

Agad namang sumang-ayon ang lahat kaya nagtungo kami sa food stall.

Pagkaliko namin ng mga kaibigan ko pa kanan mula sa harap ng gym patungo sa food stall, ay ang saktong paglabas nina Andrei kasama ang kanyang mga kaibigan sa business office.

Dagliang nagtama ang aming mga paningin. Nagngitian lang kami kasunod nun ang kanilang pagtahak patungo ring food stall. Ngunit sa kabilang stall nga lang ang mga ito.

"Anong atin?"tanong sa akin ni Haiden na noo'y ang paningin ay nakatuon sa mga paninda ng tindera.

"Carbonara nalang siguro sa akin."ang sabi naman ni Khazhmir.

Arte ng name, diba? Kaasar.

"Ikaw? Anong bibilhin mo!"tanong sa akin ni Haiden. Ngumisi ako.

"Libre mo?"sarkastikong tanong ko. Sinimangutan ako.

"Asa ka!"ka niya at tiyaka kumuha ng bottled coffee drink at biscuit.

"Why so cheap?"maarteng ika naman ni Chesqa.

"Umayos ka nga! Baka nasa cheap place tayo, no?"bara naman sa kanya ni Glaiza.

"Bumili na nga lang kayo ng kakainin niyo. Kung ayaw niyo, e di punta kayo dun sa mamahalin niyong mga restaurant. At least naman kahit cheap dito, masarap ang pagkain."masayang-masayang wika ni Khazhmir.

Ang cute niya palang tignan kapag nakangiti. Napakainosente niya!

Todo titig ako kay Andrei na noon ay nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan habang ito'y ngumingiti dahilan para mawala ako sa reyalidad maging sa mga kasamahan ko.

Sorry nga lang kasi nasaktan kita physically.

"Hoy! Kinakausap kita!"bumalik ako sa reyalidad matapos akong sikuhin ni Chesqa.

"Aba! Pakealam ko. Hindi naman ako interesado sayo."banat ko sa kanya.

"Ay wow! Kaya pala ngingiti-ngiti ka sa lalaking iyon!"tatango-tangong ika niya. Seems like, may kalokohan na namang nabubuo sa isip.

"Huh? A-anong nangingiti-ngiti ka diyan!"maang-maangan kong tugon.

"Nagmamaang-maangan ka pa eh huling-huli ka na nga!"ika niya kasunod nun ang biglaang pagsigaw niya. "Hoy! Lalaking nakaputi, Cru---"

"Ano ba!"aligaga kong tinakpan ang bunganga niya dahilan para di niya matuloy ang kanyang sinasabi. Nahihiya naman akong humarap sa mga taong nagsisitinginan na sa amin.

"Girl! Nakakahiya ka. Anong pinaggagawa mo sa buhay!"nahihiya ring ika ni Glaiza.

"Nakakahiya ka! Umalis na nga lang tayo!"anyaya ni Haiden.

"Mabuti pa nga!"sang-ayon ko.

"Wala ka pa ngang nabibiling pagkain!"ang sabi ni Khazhmir.

"Nevermind. Labas nalang ako mamaya!"wika ko.

At nanguna na si Haiden at Khazhmir sa paglalakad habang ako'y takip-takip pa rin ang bunganga ni Chesqa. Subalit, aalis na sana kami nang bigla nalang may humila sa braso ko.

"Type?"dahan-dahan akong lumingon sa lalaking ito at tiningnan ang kamay niya na nakahawak sa aking braso paitaas sa kanyang mga mata.

Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata sa gulat. "Yes?"taas-kilay kong wika. Mabilis niyang binitawan ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahila.

Hidden Desires The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon