Chapter 6:

28 2 0
                                    


Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the authors imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Allyson's POV:

This is already the most exciting moment na magaganap sa buong buhay ko. My whole life, ngayon lang lasi ako napabilang sa grupo bumuo ng pagkatao ko. BUMUO ngunit hindi nagpabago sa katangian ko.

Iyon ang hindi ko maintindihan sa sarili ko. Mababait silang tao at hindi ko rin maikakailang mabuti ailang impluwensya para sa mga kabataan. Ngunit, sadyang may mga bagay lang na pinagkaiba namin sa isa't isa kaya hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung lumaki ako sa paraang ako.

"Doon na tayo agad sa proven and tested sir!"maya-maya'y tugon ni Ezequiel sa tanong ni sir. Agad akong bumalik sa reyalidad matapos akong mag-imagine.

"So, sino nga?"tanong muli ni sir.

"Stephanie sir!"nakangiting sagot nito habang nakatingin kay Steph.

"Is it okay,Steph?"nakangiting tumango si Stephanie.

"Ok den! Be prepared for the elimination round this afternoon. Exactly 1:00 for the singing competition and tomorrow for the dance competition at exactly 1:00. Update ko kayo tomorrow kung kailan ang patimpalak for those said events! Thank you!"yun lang at tumalikod na sir. Agad naman kaming nag prepare para sa mga patimpalak.

Ayon sa kwento, childhood friend ni Ezequiel si Stephanie at palaging sumasali ang mga ito sa mga singing competition sa kanilang lugar dati. Pero pagdating ng High School, ay nagkahiwalay na sila ng School at lumipat na din ng bahay sina Ezequiel.

Ayon sa kanilang dalawa, most of the competition na kanilang sinasalihan ay tinatanghal silang champion dahil match na match daw ang kanilang boses. Maganda ang timbre nilang pareho kaya naman walang dudang pinili ni Ezequiel si Stephanie at masaya kami doon. At hindi nga kami nagkamali matapos silang mag-sample sa class ng kanilang entry for duet competition.

"Ikaw? Ano namang entry mo?"tanong ko kay Andrei habang ito ay concentrate na concentrate sa panonood kina Ezequiel at Steph na kumanta. Tinapunan niya lang ako ng tingin.

"Wala pa akong naiisip."mahinahong sagot niya.

"Huh? E mamaya na yung elimination round ah!"

"So?..Tsh, ako na bahala mamaya!"ngumisi siya.

Bilib naman ako sa taong ito. Hindi aiya nagsasabi ng mga bagay-bagay na kanyang ginagawa pero magugulat ka nalang kapag umakto siya.

Actually, hindi ko pa naririnig itong si Andrei na kumanta. Pero andun pa ein naman yung tiwala ko sa voice niya.

Ilang sandali pa nga lang ay nahagip ng mata ko si Cassandra na tahimik na nakaupo sa kanyang upuan. Nilapitan ko siya.

"Hoy!"

"What?"

"Good Luck!"wala naman sa plano ko ang mang-insulto pero hindi ko alam kung naiinsulto siya.

"Tsh. Buti sana kung kaya ko to. Hindi ito yung line ko,okay?"naiiyak nitong tugon. Natawa ako.

"Wala pa nga sa aktwal, umiiyak kana? What if in actual na to?!"aniko."..kaya mo yan..kasama mo naman si Andrei..So,I know...hindi ka niyan pababayaan! Chillax lang"nakangiting tugon ko. Pinapalakas ang loob niya. Bigla ay lumiwanag ang mukha nito at tiyaka ngumiti.

Hidden Desires The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon