Chapter 16

17 1 0
                                    

EZEQUIEL's POV:

*Krrrrrng Krrrrrng krrrrrng*

Nagising ako sa ingay ng alarm clock sa tabi ng bed. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata at pupungay-pungay na tumingin kay Andrei.

Gusto kong magulat sa aming itsurang nakatulog pero wala ako sa gana dahil kulang ang tulog ko. Mahimbing kasi ang tulog ni Andrei habang yakap-yakap pa ako samantalang ako naman ay nakagisingan kong nakayakap din sa kanya habang ang paa ko'y nakapatong at nakakawit sa kanya. Napapalunok kong tinanggal ang paa ko ng dahan dahan maging ang pagkakayakap ko sa kanya. Ngunit, nahirapan ako sa pagtanggal ng isa pang kamay ko dahil nadaganan ito ng kanyang ulo at nagsilbing unan.

Muli akong napalunok at deretso ang tingin sa kisame. Hinayaan ko nalang ang kamay ko sa ganoong postura hanggang sa rumehistro sa akin ang mga pangyayari kagabi. Napalingon ako kay Andrei.

Alam kong isang kabastusan ang nagawa ko kagabi. It's not my intension to do that, Andrei. Pero sana hindi ako nagkamali na may gusto ka sa akin.

Hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko kung bakit sa dinami-daming bagay na pwede kong gawin para lamang sana'y malaman kung tama ang hinala ko pero di ko alam kung bakit sa ganoong paraan pa.

Sobrang pagkapahiya sa sarili ang naramdaman ko tuloy matapos ko iyong maalala.

Ano nalang kaya ang sasabihin nito. Na maliit ang ari ko? Hindi. Na isa akong bastos? Walang respeto? What if, ipagkalat niya?

Napuno ang isip ko ng pagtatanong pero ni isa ay hindi ko magawang kunan ng sagot dahilan para kabahan ako't mapalunok. Ilang sandali pa ay gumalaw si Andrei at dagliang uminat. Doon na dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Nangunot noo akong tumitig sa kanya nang bigla itong humarap sa akin at yumakap.

Asa ganoon kaming sitwasyon nang bigla itong nagmulat ng mga mata. Nanlalaki ang nga mata nito sa gulat nang makita ang sarili niyang nakayakap sa akin. Napalunok ito at aligagang kumilos para umalis mula sa pagkakayakap niya sa akin at humarap lang sa akin. Ngumisi ako.

"Sorry!"mahihimigan ang kaba at pagkapahiya sa kanyang boses.

"For what?"animong seryosong-seryosong tanong ko. Tumitig siya sa akin.

"Sa nangyari!"

"Saan? Yung kagabi?"nangunot noo ito kasabay ng kanyang paglunok.

"H-hindi. Nawala na yun sa isip ko!"paliwanag niya..

Nakalimutan na niya ang tungkol doon ng ganun kadali? Hindi pa ba obvious na wala nga siyang pagtingin sa akin? Dahil kung gusto niya ako, sa paraan palang na yun, malaking bagay na iyon sa kanya. Pero hindi. Hindi nga niya ako gusto.

Hindi ko naiwasang mapaisip. "Ganun ba? So, saan ka den nag-so-sorry?"

"Never mind. Huwag mo ng tanungin!"umayos siya sa pagkakahiga at deretsong nakatingin sa kisame. "Anong oras na?"tanong niya.

"Oras na para mahalin mo ako!"gulat itong lumingon sa akin at agad ding nag-iwas ng tingin.

"Tss."tanging tugon niya.

Hidden Desires The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon