Chapter 10

30 1 0
                                    

Ezuquiel's POV:

NAKANGITI akong sinundan ng tingin si Andrei ng talikuran kami at nilisan ang room.

"Mapipigilan ba ng titig at ngiti mo si Andrei?"pinasadahan ko ng tingin si Allyson sa sinabi niya. Munit hindi pa rin naaalis ang ngiti ko.

"Hindi!"tanging tugon ko.

"Naman pala eh! Tapos kung makangiti ka't makatitig sa kaibigan natin, daig mo pa yung may syota!"nang-iinsultong aniya.

"None of your business!"ngumisi ako.

"Wait!"inagaw naman ni Cassandra ang atensyon namin,"...admit it! May gusto ka kay Andrei no?"pinandilatan ko siya mata sa sinabi.

"Anong gusto? Kay Andrei?!"paglilinaw ko sa tanong niya. Mahirap na kasi baka iba tinutukoy. Hehez! Although given na kasi na si Andrei ang tinutukoy.

"Malamang! Alangan naman na ako? Kadiri!"sinimangutan ko si Allyson sa naging tugon.

"Im just happy with him, ok? Namangha lang talaga ako kanina sa naging performance niya on stage! Tiyaka.."

"Tiyaka ano?!"hindi ko naituloy ang sinasabi ko matapos akong pangunahan ni Cassandra. Sumimangit akobg muli.

"Tiyaka..ang sarap niya kasing asarin!"tugon ko.

"Masarap talaga?"

"Oo!"

"Natikman mo?"sarkastikong tanong ni Andrei. Binatukan ko siya.

"Gago, literal?"tinawanan nalang namin ang isa't isa habang si Cassandra'y busy pa sa pag-aayos sa mga gamit niya.

"Ba't ba ang kupad mo gumalaw!"pambabara ni Andrei kay Cassandra na napakabagal mag-ayos ng gamit niya.

"E kung tulungan niyo kaya ako!"aniya habang tinutupi ang unipormeng ginamit niya.

"Aba! Pakialam ko diyan ako ba gumamit mga niyan!"

"Ugok!"tumawa kami.

Isang bagay lang ang napapansin ko ngayon sa sarili ko. Ngayon, kung sinasabi ng mga kaibigan ko sa harapan ko na may pagtingin ako kay Andrei, ay isang napakalaking kasinungalingan, kahihiyan, at pagkakamali kapag nangyari iyon. Kasi kung tutuusin naman talaga, wala akong pagtingin kay Andrei. Sadyang masaya lang ako sa tuwing kasama ko siya.

Hindi ko man alam kung bakit, pero sa mahigit isang taon na pagsasama namin ng mga kaibigan ko, ngayon ko lang nakita yung kagandahan ng puso ni Andrei. Ngayon ko lang naramdaman yung presence niya at lahat. Na ang sarap niyang kasama na kahit na minsan ay malungkot. Na ang sarap niyang kausap lalo na kapag nakisama siya sa mga biruan sa grupo.

Hindi siya mahilig mag-open ng mga problema niya. Pero kapag sanay ka na talagang kasama siya, makikita mo na talaga agad-agad sa kanyang mga mukha kung okay siya, o hindi. Marunong siyang magtago ng nararamdaman niya e. But I like that personality he had ever since. Kasi kahit ano mang problemang meron siya, he never givea up. Unless, he keeps in moving on. Diba nakakamangha?

Hidden Desires The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon