Chapter 8

22 2 4
                                    

Ezequiel's POV:

Cool na cool na naglakad papuntang harapan si Andrei matapos kaming ianinsiyo na susunod na magpakitang gilas. Siya ang naging subtitusyon ni Stephanie matapos itong hindi maka-attend sa nasabing event.

Umiinit ang katawan ko habang papalapit ng papalapit sa harapan dahil sa kabang nararamdaman ko. Ang nakakainis, ay parang wala lang kay Andrei. Napaka-relax niyang tingnan. Parang walang iniindang kaba.

"Go EzDrei!"napalingon ako sa mga audiences at hinanap ng mga paningin ko ang sumigaw nun. At nahagip ng mga mata ko ang nakangiting si Cassandra. Ngumisi ako.

"Go mga utol!"sigaw naman ni Allyson. "...marami kayong fans ditooo!"sigaw pa niyang muli tiyaka nagpalakpakan ay naghiyawan ang mga babaeng nakapalibot sa kanila. Doon ako natawa ng makitang rinding-rindi si Cassandra sa mga babaeng iyon.

Maya-maya pa'y tumugtog na ang aming minus one. Habang naghihintay na pumasok sa unang lyrics, ay nagkatinginan kami ng Andrei. At sa paraang iyon, ay parang ipinarating namin sa isa't isa na kaya naming gawin iyon basta't magtiwala lang kami. Ngumiti ako. Kasunod nun ay ang pagbabadyang pagpasok ni Andrei sa kanta. Sa unang dalawang line ng song kasi, ay naka-assign iyon sa kanya bago ako.

Ang pag-ibig ay sadya nga bang ganyan!
Magkatakpo, magkalayo ang nagmamahalan.

Bagong pasok palang iyon pero agad ng naghiyawan at nagpalaklapakan ang mga manonood na nasa room na yun. Inaasahan ko na iyon kasi kahang-hanga nga naman ang boses na taglay ni Andrei.

Kinanta niya ang line niya habang blanko ang mukha nitong nakatitig sa akin at tiyaka ngumiti sa huli ng line niya kasunod ng aking pagpasok sa ikatlong taludtod ng song at tiyaka kami nag sabay sa panghuling taludtod ng unang saknong ng kanta.

Ganyan tayong, mga pusong pinaglayo
Ngunit nagsumpaan, na walang limutan!

Pagpasok naman sa chorus, ay naglakad kami papalapit sa isa't isa. Magkaharap at magkasalubong habang inaawit ng sabay ang chorus nito but not totally na sabay.

Wait for me, aking mahal! (Sabay)
Yan ang lagi kong dindasal (linya naman ni Andrie.)
But you wait for me, aking mahal! (Sabay muli naming pag-awit)
Konting tiis nalang, at dina magtatagal (nakangiti ko namang kinanta ito matapos siyang huminto)
Ako'y babalik na, so please wait for me (sabay naming tinapos ang huling taludtod ng chorus)

Ang sarap lang sa feeling kasi hindi ko ito inaasahan. Na yung impak ng song, at yung boses ni Andrei ay swak sa boses ko. Ang lamig ng boses niya. Ang ganda.

Matapos ang chorus ay nakangiti kaming nagharap ni Andrei.

Ang cute niya lalo kapag nakangiti. Napaka-inosente ang mukha!

Agad naman akong tumingin sa audience at mga judges ng muli kaming papasok sa susunod na taludtod. Sa pagkakataong iyon, ay ako naman ang naatasang mangunguna sa part ng song. Katulad lang sa unang taludtod at chorus, alternate lang kami ni Andtei at minsan nagsasabay lalo na sa chorus.

Magtitiis, sa lungkot at pag-iisa,
Larawan mo, at mga sulat ang kasama
Ingatan mo sana ang pag-ibig natin

Sa muling pagkakataon, ay nagharap kaming muli ni Andrei para sa huling taludtod ng saknong ng song.

Ipaglaban ito, hanggang sa aking pagdating...

Hidden Desires The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon