SUTTHAYA's POV:
LUMIPAS na ang isang araw ng hindi ko nakakausap si Type. Bagsak ang mga balikat kong bumalik ng Brisle Hotel na kung saan ako tumutuloy. Dumeretso ako sa balcon ng room ko at tumambay doon. Bumungad sa akin ang preskong hangin na nagmumula sa kalikasan. Nahiga na muna ako sa isang upuan na naroon. (Hindi ko alam ang tawag nun pero basta yung upuan ng matanda? Na kung saan mahihiga ka lang doon ay masarap paglaruan? Tumba tumba ba? Na gets mo? Bahala na nga!😂 comment down kung anong name!😂)
Hanggang sa hindi ko namamalayan ay nakatulogan ko ang pagtatambay sa balcon ng room ako. Gabi na nang magising ako. Pinagmasdan ko na muna ang paligid bago ako pumasok. Naglakad ako patungong bakod ng balcon at doon ay tinanaw ko ang baba na kung saan makikita ang tanawin ng dagat kabilang na rin ang bundok sa bandng kanan. Ipinatong ko ang parehong kamay ko sa bakod ng balcon. Nakangiti akong pumikit at aking ninamnam ang sarap ng preskong hangin na nagmumula sa kalikasan na dumampi sa akin balat.
Sa pamamaraan na iyon ay parang nawala ang lahat ng pagod ko sa buong maghapon. Sa kakalakad, kakatakbo, at kung ano ano pang mga nangyari sa unang araw ko ng school. Ilang sandali pa ay napagdesisyunan kong pumasok na ng kwarto ko para maka pag-shower na.
Tinanggal ko ang lahat ng suot ko bago pumasok ng bathroom. Pagkapasok ng bathroom ay hindi ko naiwasang mamangha matapos kong magandahan maging sa disenyo ng bathroom. Iiling-iling akong nag-toothbrush bago ako tuluyang nag shower. At dahil ako lang namang mag-isa sa kwartong ito, ay tinanggal ko na rin pati ang aking underwear dahilan para tumambad sa akin ang buong katawan ko.
Matapos pa ang ilang sandali, ay mabilis akong nagbihis bago tuluyang lumabas ng kwarto para makakain. Pagdatjng sa reception area, ay tinanong ko kung nasaan ang reastaurant dito. Agad naman akobg ginabayan ng mga facilitator.
"What cuisine mostly you served here?"tanong ko sa isang favilitator na kasama ko patungong restaurant na nagngangalang Mark ayun sa name tag nito.
"We are offering Indian, Western, and especially Philippine cuisine sir!"agad akong napalingon sa facilitator at napapahinto sa paglalakad.
"Really?"tanong ko.
"Yes sir. Is there's anything wrong?"
"Nothing pero wala kayong Thai cuisine?"
"Pasensya na sir. We don't serve Thai cuisine here at Brisle Hotel!"sinserong aniya habang nakatingin lang sa akin.
"Okay fine. What is your best specialty here?"muling tanong ko.
"Sorry sir. You can ask the waiter at our restaurant sir kung ano yung specialty nila dito. Kasi magkakaiba naman po tayo perception in terms of specialty."nakangiti pa rin nitong tugon na siyang naging dahilan para mapasama ako sa pag ngiti.
"Is that so?"
"Yes sir!"
"You look good!"papuri ko s kanya. Maliban kasi sa gwapo siya at nababagay sa kanya ang puting uniporme nito, ay napakabait at napakagalang kasi niya kaya hindi ko maiwasang mamangha sa kanya maging sa hotel. Tumawa lang siya.
"Thank you sir. By the way, you look good too sir!"nakangiti ring aniya sa akin. Ngumisi ako at tumitig sa kanya.
"Thank you!"pasasalamat ko at tiyaka kami nagpatuloy sa paglalakad patungong restaurang ng Brisle.
Pagliko namin pakaliwa, ay natigilan ako matapos tumambad sa akin ang napakaganda at napakalinis na restaurant. Maliban sa ganda ng pagkaka cater ng mga tables, nakakadagdag pa sa kagandahan ng lugar ang mga bulaklak na nakalagay sa ibabaw ng mesa gayundin ang pula at puting kolor ng ilaw.
BINABASA MO ANG
Hidden Desires The Series
RandomMalapit na magkakaibigan sina Andrei, Allyson, Ezequiel, Cassandra at Stephanie. Habang tumatagal ang panahon, ay mas lalong lumalalim ang samahan ang isa't isa. Lumipas ang ilang panahon, may napapansin si Andrei na kakaiba sa kanyang sar...