Chapter 7

23 2 2
                                    

Ezequiel's POV:

5 minutes before the elimination round. Hindi ko alam kung anong mararamdaman o nararamdaman ko. Kung kinakabahan ba ako? O talagang na pe-pressure lang talaga ako dahil nalalapit na ang elimination round?

Habang naghahanda ang lahat para sa elimination round na magaganap, ay naisipin kong lumabas na muna ng room na yun para makabili ng maiinom.

Habang nasa daan patungong canteen, ay maraming mga estudyante akong nakakasalubong. Karamihan sa kanila ay nagtititili. Nakakabanas lang.

Oo. Kasi given na kasi na gwapo ako. Kailangan pa bamg ipagsigawan? Hindi na. Ewan ko ba kasi kung bakit ako biniyayaan ng diyos ng gantong klase ng mukha. Hayst.

Iiling-iling akong nagpatuloy sa paglalakad patungong canteen. Pagkadating ko ng canteen, hindi ko maintindihan kung bakit dalawa ang nabili kong tubig. Nangunot noo ako.

Kanino ko ba ibibigay ang isang to?naguguluhan kong wika sa isipan.

Pero isa lang ang nasisiguro ko. Binili ko ang isa la para kay Andrei. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Iiling-iling akong nagpatuloy sa paglalakad pabalik ng room na kung saan magaganap ang elimination round.

"Hey!"habang nasa hallway patungo sa room na pupuntahan ko, ay bigla akong tinawag ng isang babae. Lumingon ako sa aking side at bigla ay nagliwanag ang mukha ko ng makita ko si Czarie.

"Hey! Kumusta!"pangangamusta ko. Ngumiti siya ng pagkabongga-bongga.

"Ok lang naman ako. Ikaw ba?! An' daming nagbago sayo ah."aniya tiyaka niya ako tinapunan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Well, thanks to you!"sarkastikong tugon ko.

"Huh? Bakit naman?!"naguguluhang tanong niya.

"Hindi naman kasi ako magkakaganto, kung di kita nakilala at kung hindi ka naging bahagi ng buhay ko, diba? Kung hindi dahil sayo, hindi ako nagkaroon ng direksiyon para magbago!"nakangiting tugon ko. Ngumiti rin siya.

"Ikaw naman! Wala iyon."pilit ang ngiting aniya saka niya ako hinawakan sa balikat."..but remember this..hindi mo kailangang magbago para sa ibang tao, Ez. You need to change yourself for yourserlf hindi yung nagbabago ka dahil sa iba."makabuluhang paalala niya. Tumango ako bago bumuntong hininga ng malakas.

"O siya! Mauuna na ako!"paalam ko sa kanya.

"Saan ba punta mo?"tanong niya.

"Diyan lang sa room 203!"

"Sige! Mag-iingat ka!"ngumiti lang ako bilang tugon.

Matapos niyon, ay nagpatuloy na ako sa room 203 para sa elimination sa singing competition.

Si Czarie ang kauna-unahang babaeng nagpatibok ng puso ko. Kauna-unahang babaeng minahal ko at kauna-unahang nanakit sa akin ng sobra.

Sa tagal ng pinagsamahan namin dati, ay nahirapan talaga akong mag move on para sa kanya. Ang hirap kasi minahal ko siya ng sobra tapos sa isang iglap, ay mawawala ang lahat.

Dati akong torpe, nung panahong kami pa. Ngunit, nabago ko ang sarili ko simula nung iwan niya ako. Hindi ko man maipaliwanag kung bakit pero matapos naming maghiwalay ni Czarie, ay mas nagkaroon ako ng lakas ng loob para magbago.

Diba anggulo? Oo. Kasi diba kapag broken ka, acceptable reason yun para maging torpe ka? Magiging wild ka at lahat-lahat na. Especially, magiging rason mostly ng karamihan iyon para maglasing. Pero depende pala yun sa tao. Kung gugustuhin mong magbago, yun ay depende sayo kung gusto mo. Katulad ko. Kasi mas nagkaroon ako ng direksiyon sa buhay na magbago, nang iwan ako ni Czarie.

Hidden Desires The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon