EZEQUIEL's POV:
Dumating na ang oras na pinakahihintay namin ng mga kaibigan, ang battle of the band at Dance competition.
Sa kabila ng mga pinagdaanan ko ng mga nagdaang araw, hindi ko lubos akalaing magagawa ko pa rin ng sa ayos ang aming performance ni Andrei pagdating ng duet. At ngayong battle of the band na at dance comp. na, nasisiguro ko ring makakaya ko pa ring tapusin ng sa ayos ang mga performance ko.
I do believe kasi, that this problem will not destruct my journey thru to my dreams. Unless, this serve as my challenge to be stronger to fight over challenges.
Pagkatapos kasi ng competition kagabi, prinoblema ko na kung saan ako tutuloy. Pero laking pasasalamat ko kasi may busilak na puso pa rin ang mga kaibigan ko.
Hindi na ako umuwi pa sa amin kasi gusto kong patunayan sa mga magulang ko na kaya kong panindigan ang kahit ano mang sinabi ko sa kanilang harapan. At isa na lang ang hindi ko matupad-tupad. Yun ay ang mawala ako sa paningin nila.
Pero how I wish na sana kapag nangyari ang bagay na iyon, sana ay wala silang pagsisisihan. Kasi yun yung kagustuhan nila at tinutupad ko lang.
Kasalukuyang nag-seset ang unang kalahok on stage, ang pambato ng College of Allied Health and Science.
Samantala, ay hinahanda na rin namin ang aming mga sarili ng mga kaibigan ko dito sa back stage dahil within how minutes lang ay kami na ang susunod.
Tinugtog ng banda ng CAHS ang song na 'Nosi Balasi?'. At talaga namang kamangha-mangha ang pagkakatugtog nila sa sobg choice nila. Perfect na perfect at talaga ngang magagaling silang kumanta. Doon palang na part, ay kinabahan na ako.
Gusto ko nang umatras. Gusto ko nang umalis. Lahat gusto ko nang gawin sa mga natitirang oras na meron kami para lisanin ang lugar pero hindi ko nagawa. Ano nalang kasi ang sasabihin at mangyayari sa grupo ko kapag ginawa ko iyon.
Kaya naman na imbes na magback-out, ay hindi ko nalang ginawa. Kundi, ay nanatili akong kalmado sa harap ng mga kaibigan ko kahit na ang totoo ay kabadong-kabado ako.
Halata rin sa mga kaibigan ko ang pagiging kabado nila pero hindi ko na iyon pinansin pa at pilit na pinakalma nalang ang sarili.
"Guys, okay lang ba kayo? Kaya natin to, okay?!"nangiti ako sa lakas ng loob na meron si Allyson. Siya kasi ang medyo bibo sa amin at talagang may lakas ng loob magpalakas ng loob at nagagawa niyang talaga iyon sa tuwing may kompetisyon kaming kailangang salihan. At nagagampanan naman namin.
"Kaya!"malakas naming sigaw na apat. Patunay iyon na yakang-yaka namin ang kompetisyong iyon.
Malapit ng matapos ang unang kalahok kaya naman at naghanda na kami. Papunta na ako sa bungad ng stage na kung saan nag-eentrance ang mga kalahok papunta sa harap pero pinigilan ako ni Andrei.
"Ezequiel!"tawag niya sa aking pangalan. Tinignan ko pa ng bahagya ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Mabilis naman niyang inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "O-okay ka na ba?"ramdam ang pag-aalala niya.
"O-oo naman. Bakit?"hindi ko alam kung tama bang sabihin kong okay lang ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko. Pero wala namang dahilan para magpakita ng motibong hindi ako okay diba? Dahil kung nagpakita ako ng motibong hindi ako okay, maaaring maapektuhan ang aming performance.
"Sure yan, huh?"paninigurado niya sa akin. Titigan ko siya sa kanyang mata.
"Oo nga! Kilala mo ako, okay?"tanging tugon ko at hindi ko na siya pinansin pa.
BINABASA MO ANG
Hidden Desires The Series
De TodoMalapit na magkakaibigan sina Andrei, Allyson, Ezequiel, Cassandra at Stephanie. Habang tumatagal ang panahon, ay mas lalong lumalalim ang samahan ang isa't isa. Lumipas ang ilang panahon, may napapansin si Andrei na kakaiba sa kanyang sar...