Andrei's POV:
"Oo na!"inis kong sagot.
"Totoo?!"paniniguro niya.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa ginagawa niya o matutuwa dahil kahit ang puso ko hindi ko maintindihan.
"Hoy! Natatahimik ka!"nakangiting sabi niya habang titig na titig sa muka ko. Sumingit ako.
"Bitawan mo nga ako. Hindi ka na nakakatuwa Ezequiel!"seryosong tugon ko. Ngumisi siya at tiyaka biglang inabot ang kanang kamay ko na nasa hita.
"Aray!"napalakas ako ng sigaw dahil sa ginawa niya.
"Sorry! Diko sinasadya bro..nakaligtaan ko!"paumanhin nito at tiyaka niya ako inakay pabalik sa bed ko.
"Nababakla ka ba sa akin?!"wala sa oras kong tanong. Seryoso at deretso akong nakatitig sa kanya. Natigilan siya sa tanong ko dahipan para magdahan-dahan ito sa pagtayo.
"Bro! Anong klaseng tanong yan?!"pilit ang ngiting tanong niya.
"Wala. Pansin ko lang kasi iba ka kung kumilos, iba ka kung ako kausap mo, iba ka rin mag-alala at lahat na!"sabi ko na hindi parin inaalas sa kanya ang paningin. Huminga siya ng malalim at tiyaka siya lumingon-lingon sa paligid ng room na yun hanggang sa napadpad ang paningin sa kisame.
"Hindi ba't.."tumingin siya sa akin, "..ako dapat ang nagtatanong niyan?!"sumimangot ako matapos itong ngumisi. Hindi ako nakasagot.
Sandaling katahimikan ang namutawi sa aming pagitan. Nakakabagod nga lang kasi magkasama kami sa isang kwarto pero walang umiimik. Parang hindi kami magkaibigan. Parang nadala na kami sa mga pinaggagawa niya.
"Ah-"sabay kaming umimik. Naiilang naman kaming nag-iwas ng tingin sa isa't isa matapos magtama ang mga paningin namin.
"Go ahead!"utos ko kay Ezequiel na magsalita na.
"Well, bro!"
"Hmm?"
"I need to go na. Hindi na ko magtatagal. Tutal alam ko naman ng ligtas ka, aalis na ko. Baka kasi inaantay na ako ngayon ni Mom!"paalam niya tyaka ngumiti. Ngumiti rin ako.
"Sure. Just take care!"ngumiti siya. Nginitian ko nalang din siya bilang pagtugon bago pa niya ako tinalikuran paalis.
Hindi ko na siya naihatid pa sa labas. Sinundan nalang ng mga mata ko ang kanyang paglisan sa loob ng ospital na iyon kasunod ang pagpasok ni Mang Ceasar.
"Oh! Kumusta ka?"nakangiting tanong niya habang nilalabag ang mga dala niya sa side table.
"Okay lang naman po ako Manong!"
"O siya sige alam kong gutom ka na. Kumain ka na muna."utos niya sa akin habang inihahanda ang mga pagkain.
Napakasarap pala talaga sa pakiramdam ang magkaroon ng isang amang nag-aalaga sa iyo. Iba pa rin kasi talaga pag may taong nag-aalala sayo, nagmamahal sayo, at nag-aalaga sa iyo sa oras na may sakit ka. Kaya naman hindi ko maiwasan mapangiti habang pinapanood si manong na ihanda ang mga kakainin namin.
"Bangon na!"nakangiting utos ni manong. Ngumiti ako, "..o siya tulungan na kita!"at tinulungan nga niya akong tumayo mula sa pagkakahiga at tiyaka niya inilatagang mga pagkain sa harap ko.
"Sabayan mo na po ako manong."nakangiting anyaya ko kay Mang Ceasar.
"Sige."tugon niya at tiyaka kami sabay kumain.
Masaya naming pinaghaluan ni Mang Ceasar ang pagkaing binili niya sa labas. Sa oras na iyon, nakalimutan ko lahat ng mga iniisip ko. Maging ang quiz na gaganapin ay nakalimutan ko kaya naman pagdating ng Monday ay nalutang ako.
BINABASA MO ANG
Hidden Desires The Series
Ngẫu nhiênMalapit na magkakaibigan sina Andrei, Allyson, Ezequiel, Cassandra at Stephanie. Habang tumatagal ang panahon, ay mas lalong lumalalim ang samahan ang isa't isa. Lumipas ang ilang panahon, may napapansin si Andrei na kakaiba sa kanyang sar...