Stephanie's POV:
"Luh! Apaka OA mo maka-react te!"natatawang ani Andrei. Namamangha akong tumitig sa kanya.
"Sino sa tingin mo ang hindi magugulat sa sinabi mo, aber?"giit ko.
"Buhay ako teh! Hindi ako namatay, okay?"
"Pero kahit na, bro! What if may nangyaring masama sayo? Bro, hindi naman ata namin kakayanin iyon!"pagdadrama ni Allyson. Sinimangutan ko siya.
"OA, kayo lang ni Cassandra dahil kaya ko, duh!"ani ko.
"Ang mahalaga, buhay siya at still nakakapagsalati, okay?"wika naman ni Cassandra.
"Bida-bida, teh?!"bara ko.
"Hindi naman. Share ko lang!"pikon nitong sagot. Tumawa ako.
"Okay na din. Buti nga dika natuluyan?"biro ko kay Andrei. Natawa siya.
"Grabe ka naman! Ikaw na muna mawala sa mga landas namin Steph bago siya!"giit naman ni Ezequiel dahilan para tingnan ko siya ng nanlalaki ang mga mata.
"Hoy! May namamagitan ba sa inyo?"
"Bakit hindi mo tanungin si, Andrei?"agad nitong sagot. Agad-agad naman akong tumingin kay Andrei. Natatawa siyang tumitig sa akin, "..Ano?"
"Kung ano-ano pinagsasabi mo diyan. Mamaya, maniwala ang mga ugok na to!"baling niya kay Ezequiel. Nagtawanan sila samantalang naiiwan akong napipikon sa kanila.
Pagkapasok namin ng canteen, ay sandaling tumigil ang isa't isa sa kakakuda. Dumeretso na agad kami sa counter para maka-order ng makakain at sabay-sabay na kumain.
Habang kumakain ay hindi kami matigil sa kakasalita.
"Oh! Wait!"maya-maya'y singit ko sa kanila.
"Ano naman, Steph?!"iritadong tanong ni Ezequiel. Nainis ako.
"Ano ba! Let me just talk first, okay? Agad-agad na lang kayong nagagalit sa akin!"maktol ko,"...guys, I think it's...funny but.. you know.."kikindat-kindat kong wika, "..it's exciting!"
"Ano nga?!"nakabusangot na tanong ni Allyson.
"Alam niyo? Nakakainis na kayo!"
"Bakit na naman ba?"tunatawang tanong naman ni Andrei.
"In everytime na ako ang nagbibigay ng opinyon ko sa grupo, ganyan na ganyan ang ugali niyo! It seems like....ayaw niyo sa akin!"at bigla silang nagtawanan. Sumimangit ako sa inis.
"O my God! Did you take it seriously?"maliwanag ang mukang ani Cassandra. Binatukan ko siya,"..aray naman!"reklamo niya.
"Huwag mo kong i-ingles-ingles diyan. Baka mandilim paningin ko sayo!"pinagtawanan lang nila ako.
"Ano ba!"maktol ko.
"Sige na, go ahead!"utos ni Andrei. Nangiti ako.
"Well I just want to have our rules, guys! Para naman masaya, diba?"
"Rules? Para saan?"nanliliit ang mga matang tanong ni Allyson.
"What do you mean? Rules na para sa ating pagkakaibigan, isn't it?"nakangiti ring tanong ni Andrei.
O my God! This is it. Mga inglesero't inglesera!
"Correct! Nadali mo nga!"malawak ang mga ngiti sa labing sang-ayon ko. Samantalang iritado ang mga mukang tumitig sa akin sina Allyson, Ezequiel at Cassandra. "..what?"natatawang tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Hidden Desires The Series
De TodoMalapit na magkakaibigan sina Andrei, Allyson, Ezequiel, Cassandra at Stephanie. Habang tumatagal ang panahon, ay mas lalong lumalalim ang samahan ang isa't isa. Lumipas ang ilang panahon, may napapansin si Andrei na kakaiba sa kanyang sar...