Chapter 18

20 1 0
                                    

ANDREI's POV:

I end up this day with tardiness. I felt dizzy as I arrived at home late in the afternoon. It's already 4:38 when I went home and I already need to prepare and arrange myself for my battle in the singing competition.

Naupo ako sa sofa sa salas at sandaling nahiga roon. Hindi ko alam kung bakit pero parang ramdam ko lang ang sobrang pagkapagod sa sarili kahit wala naman kaming masyadong ginawa ng mga kaibigan ko maliban na lang sa pag-eensayo namin ni Ezequiel at paulit-ulit na paglalakad patungo sa kung saan-saan.

Ayoko na sanang pumunta pa ng school kaso nga lang ako ang magrerepresenta sa aming department para sa solo category. At may parte pa ako sa duet category kasama si Ezequiel. Napapabuntong-hininga ako habang nakahiga sa sofa.

Maya-maya pa'y natagpuan ako ni Mom sa ganoong posisyon. "Oh! Andrei, andito ka na pala. Magbihis ka na para makakain na."utos sa akin ni Mommy. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumayo para yumakap kay mom at halikan ito sa pisngi.

"Mom?"tawag ko kay Mom habang nakaback-hug ako sa kanya.

"Bakit?"

"Sasama ka po ba sa school?"malamyang tanong ko.

"Huh? Kailan!"nagugulat pa animo'y tanong nito.

"Ngayon po!"tugon ko.

"Ano naman ang gagawin ko doon?"

"Hindi niyo po ba ako papanoorin sa singing contest?"maktol kong wika at isinubsob ang mukha sa likod ni mom. Nagpapabebe.

"Ngayon na ba iyon, anak?"muling tanong niya.

"Oo mom!"

"E kung ganoon, kumain ka na at magbibihis na ako! Total, tapos na akong kumain..tawagin mo nalang sina manang para may kasabay kang kumain!"pag-uutos ni mom.

"Talaga po?"bigla ay nabuhayan ako matapos kong marinig mula kay mom na sasama siya sa school at papanoorin ako..

"Oo sasama ako!"

"Yes!"masayang sigaw ko dahilan para mabulabog ang mga kasambahay namin at nagugulat na tumakbo patungong sala. Napayakap naman kay mom.

"O siya sige na. Kumain ka na, bilis!"pagmamadali niya sa akin. Nagmadali nga akong nagtungo ng kitchen at nagmamadali namang umakyat si mom sa itaas para makaligo na.

Masaya akong dumulog sa hapagkainan matapos akong pagbigyan ni mom na mapanood na kumanta on school. "Manang Ofelia, Lynda, at Crizelda!"tawag ko sa ilan sa mga kasambahay namin.

"Yes, sir?"agad-agad na sagot ng mga ito. Sabay-sabay pa talaga. In fair, parang sundalo.

"Luh! Di ba sinabi ko naman po sa inyo na huwag na huwag niyo akong tatawaging sir? Kung nahihiya po kayong tawagin akong anak, Andrei nalang po okay?"suway ko sa mga ito matapos akong tawaging sir.

Simula palang kasi, ay ayaw ko nang tinatawag akong sir. Pantay-pantay kasi ang pagtingin ko sa mga kasambahay namin at ka level lang talaga namin sila kung ako ang tatanungin. Ayaw ko kasi na sabihin ng ibang tao na katulong ko lang sila at kung ano-ano. Mahal ko sila sapagkat naging bahagi na sila ng pamilya ko and I am so very thankful kasi they are still loyal sa amin.

Hidden Desires The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon