Chapter 24

5 0 0
                                    

Ezequiel's POV:

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng matapos ang kompetisyon. At hanggang ngayon, ay hindi pa rin ako umuuwi sa bahay.

Nananatili akong nakatira ngayon sa Brisle na kung saan naka check in din si Sutthaya, na kaibigan at kababata ni Andrei. Nakakahiya din kasi na mananatili ako sa bahay ng kaibigan ko.

Sinikap kong magtipid, at huwag maging magastos para magkasya ang natitira sa saving account ko. Konti nalang kasi natitira roon, at nahihiya naman na akong umuwi ng bahay dahil sa gipit na ako.

'Ginusto mo to, Ez! Panindigan mo. Kaya ko to!' nakangiting sambit ko sa isipan ko habang tinitignan ang kabuuan ko sa salamin habang nagbibihis papuntang paaralan.

Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakalawan ko at tiyaka ko dinukot ang phone ko sa sofa. Maraming tawag na ang natatanggap ko mula kay mom at sa kasambahay namin pero diko yun sinasagot.

Kalmado akong lumabas sa kwarto ko at eksaktong paglabas ko, ay niluwal din ng pinto sa tapat ng kwarto ko si Sutthaya. Binati ko na muna.

"Eyy! How are you"

"Im fine! Ikaw ba?" nakangiting sagot nito sa akin. Ngumiti lang din ako.

"Okay lang din naman ako. Pasok ka na?"

"Oo eh. Sabay na tayo?"

"Mmm. May dadaanan lang!"tugon ko dito at saka na nagsimulang maglakad papuntang elevator.

"Sure, sino ba dadaanan mo?" tanong nito sa akin habang nasa naglalakad.

"Si Andrei."

"Really? Yung kaibigan ko, dadaanan mo?" paniniguro nito. Ngumisi ako.

"Tss. Kaibigan natin!" pagtatama ko sa sinabi niya. Tumango na lamang ito.

Habang nasa daan, hindi ko maiwasang mag-isip. Dahil sa kabila ng pinagdadaanan ko, akala ko nawala na lahat sa akin. Pero laking pasasalamat ko, dahil nandito ang nga kaibigan ko at handa akong damayan at tulungan. Lalong-lalo na si Andrei.

Si Andrei, walang oras na diko nakakausap. Everytime I seek for attention, and looking for someone to talk too, ay hindi siya nag-he-hesitate para kausapin ako. Kundi, ay handa siyang kausapin ako kahit gaano pa katagal.

'Ano na lang kayang mangyayari sa akin kung walang Andrei?' bumuntong-hininga ako sa sariling naisip.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip, diko namalayan na narating na namin ang bahay nina Andrei. Bumusina lang ako ng tatlong beses sa kanila. Maya-maya pa ay lumabas na ito.

"Hey!" Salubong ni Suth dito habang nasa loob ng car. Nginitian lang ito ni Drei, bago tuluyang maupo sa front seat ng kotse ko.

"How are you?" Malumanay kong tanong at bahagyang tumingin sa kanya. Ngumiti siya.

"Okay lang. Ikaw?" ngiti lang ang naging sagit ko dito, at tyaka ko na marahang pinatakbo ang sasakyan.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan naming tatlo. Alam ko na sa pagmamaneho ko, nakatingin lang sa akin si Drei. Nahahagilap kasi siya ng aking mata. Maya't maya pa'y biglang nagsalita si Suth.

"Buti pa si Ezequiel kinamusta mo. Paano naman ako?" natawa ako sa sinabi niya kay Andrei.

"Hayst!" bumuntong hininga si Andrei at marahang tumingin sa likod, kung saan nakaupo si Suth. "...no worries, araw araw mo naman na ako makakausap later at makakasama pa!"

Hidden Desires The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon