Ezequiel's POV:
Matapos kong tawagan si Andrei, ay agad na akong bumaba para makaalis na.
Habang naglalakad pababa, napansin kong napakatahimik ng bahay. All I thought, wala na sila. Pero, it goes wrong. Asa likod pala sila ng bahay.
"May lakad ka?"magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Dad.
"Yes Dad."nakababa ang tingin kong tugon.
"Tss."naiinsultong aniya,"..nice! Mabuti naman kung ganun!"nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang galit niyang mukha,"..wala ka ng ibang ginawa sa bahay na to kung hindi ang maging pabigat! Wala ka ng ibang alam na gawin kundi ang maglakwatiya!"galit niyang sabi.
"Dad! Hindi naman ako palaging lumalabas. Ngayon nga lang kami lumubas with my friends e."tugon ko.
"Ngayon lang? With your friends?! Paano mo yan nasasabi? Eh, almost the week you are with your friends! Tapos yung araw na dapat nilalaan mo dito sa bahay, aalis ka pa?! Di ka pa ba nagsasawang makasama yang mga kaibigan mo?!"nainsulto ako sa sinabi niya.
Bumuntong hininga ako."Ganyan na ba talaga kakitid ang utak niyo?!"wala sa lugar kong kwestiyon.
*PAK*
Sinampal ako ni Dad. Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya at sinagot siya.
"Almost a week nakakasama ko friends ko! Dad naman, sa tingin mo umaalis lang ako ng bahay na to to be with my friends tuwing school days? What kind of thinking do you have?!"naiinsultong tanong ko.
"How dare you!"
"Sige! Gawin mo ulit. Sampalin mo ako ulit, Dad! Tutal diyan ka naman magaling!"sasampalin sana niya ako. Subalit, natigilan matapos ko siyang sagutin. "...and to tell you honestly?! Hinding-hindi talaga ako magsasawang kasama mga kaibigan ko! Kasi sa kanila ko lang naramdaman yung saya na di ko kailanman naramdaman sa inyo. Maging yung pagmamahal na hindi ko kailanman naramdaman mula sayo!"sigaw ko sa muka niya dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Anong nangyayari dito?!"nag-aalalang sulpot ni Mom, "..Antonio, anong nangyayari dito?!"
"Ang lakas ng loob mong sumbatan ako, Ezequiel. Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang bumubuhay sayo. Hanggat nandito ka sa pamamahay nato, palalamunin ka parin at ako pa rin ang masusunod. Hanggat nandito ka sa puder ko, pabigat ka pa rin!"
"Antonio! Ano ba?!"suway ni Mom. Gustuhin ko mang sumabat pang muli at sumbatan si Dad, pero hindi ko na ginawa. Ayoko kasi na mas lumala pa ang away namin. Kaya naman, tinalikuran ko nalang sila.
"Ezequiel!"tawag sa akin ni Mom pero di ako huminto, "Ezequiel!"hindi pa rin ako nagpatinag. Nagpatuloy pa rin akong maglakad papalabas, "Ezequiel ano ba!"
"Mom, pwede ba?! Kahit ngayon lang. Pakiusap!"naiiyak ko ng tugon.
"Anak?!.."
"Mom, saka na. Pwede?"malungkot ang mga mata ni mommy na tumitig sa akin. Pero wala na siyang ibang nagawa. Tumango nalang ito at hindi na nagsalita.
"Aalis na po ako Mom!"
"Mag-iingat ka!"nag-aalalang ika ni Mom.
"Thanks Mom"hinlikan ko siya sa pisngi at tiyaka ako umalis.
This is it. This is me. All I thought masaya na ako sa buhay na meron ako kasi nasa amin na ang lahat at nakukuha ko na ang lahat ng gusto ko. Pero mali pala ako. Dahil higit pa ang pagmamahal na nagmumula sa pamilya ang dapat na nakukuha ang isang anak. At yun ang wala sa akin. Just like Andrei. Pero ang pinagkaiba lang namin ni Andrei, wala akong body guard sa tuwing lalabas ako at si Andrei naman, may body guard nga kung lumabas, at least sometimes naipaparamdam ng mom niya na mahal niya siya.
BINABASA MO ANG
Hidden Desires The Series
CasualeMalapit na magkakaibigan sina Andrei, Allyson, Ezequiel, Cassandra at Stephanie. Habang tumatagal ang panahon, ay mas lalong lumalalim ang samahan ang isa't isa. Lumipas ang ilang panahon, may napapansin si Andrei na kakaiba sa kanyang sar...