Chapter 14

16 1 0
                                    

ANDREI's POV:

Dahil sa hindi natuloy ang elimination round sa kabila ng kawalan ng kalaban, napagdesisyunan na naming umalis na sa studio at mag-ensayo nalang sa sayaw namin. Agad namang sumang-ayon ang mga kaibigan ko kaya naman kami ay nagtungo sa quadrangle para doon mag-ensayo at muling bumuo ng mga bagong dance step. Hindi naman sa napapangitan kami sa naunang steps na aming ginawa pero gusto namin na mas makapagbigay pa ng best performance. Yung alam namin na talagang papatok sa mata ng manonood at mga hurado.

Habang busy nga kami sa pagbubuo ng mga dance steps na aming ipapalit sa ilan sa mga basic steps na amin ng nagawa, ay biglang nag vobrate ang phone ko. Agad kong dinukot iyon sa aking bulsa at tinignan ang screen. Agad nangunot ang noo matapos kong makitang hindi ito nakaregister sa phone ko.

'New number? Sino naman to?'

"Hello?"nagdadalawang-isip na sagot ko dito.

"Hello? Si Andrei ba to?"napatingin ako sa mga kaibigan ko sa naging sagot ng kabilang linya. May kung ano akong naramdaman sa aking dibdib matapos iba ang dating ng boses sa akin nung tumawag.

"O-opo! Ako nga po. May problema po ba? At kanino niyo po nakuha ang cellphone number ko?"nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa mga kaibigan ko na noo'y nag-aabang rin sa sasabihin ko.

"Sir Belango mo to!"bigla ay parang natutuwa itong aniya.

"Sir?"paninigurado ko.

"Oo!"

"Bakit po kayo napatawag, sir?"tanong ko.

"Bukas na ang simula ng College Day Celebration at bukas din ng gabi ang patimpalak sa pag-awit!"ramdam ko ang excitement sa pagbabalita ni sir niyon. Ngunit, naguluhan ko. Given na kasi iyon na bukas ang pagsisimula ng pagdiriwang pero bakit kailangan pa niya akong i-remind.

"A-alam ko po."utal kong tugon.

"Oo! At kailangan mo nang mag-prepare ng iyong piece sa solo category at sa inyong duet ni Ezequiel!"nanlaki ang mga mata ko habang ang paningin ay nakay Ezequiel.

"Po? You mean..."

"Oo! Kakareveal lang yung mga winners kanina at kayo ang nanalo sa duet at ikaw sa solo. Kaya kailangan niyo ng maghanda!"napatalon ako sa naging balita ni sir dahilan para maguluhan din ang mga kaibigan ko.

"Panalo tayoooo!"masayang-masayang ika koy Ezequiel. Nangunot noo sila. Hindi alam kung ano ang sinasabi ko."ponyeta, panalo tayo sa singing contest!"

"What? For real!"ang naging reaction ni Allyson.

"Totoo?"nanlalaki rin ang mga matang tanong ni Ezequiel.

"Oo nga! Kayo pa kumausap sa kanya!"masayang-masayang tugon. Nagsipagtilihan ang mga ito sa tuwa.

Maging ako man ay hindi ko na mapigilan ang ma-excite sa balitang dala ni sir. At hindi ko pa namamalayang, pinatay na ni sir ang kabilang linya. Masaya akong humarap kay Ezequiel at bumungad sa akin ang masayang mukha ni Ezequiel. Kasunod niyon at pagtili nito habang tumatalon. Ngumiti ako sa kanya.

"Congrats!"bati ko sa kanya. Mabilis itong tumakbo sa akin at biglaan nalang akong niyakap at binuhat at iniikot habang buhat buhat ako.

"Yeeeees!"ika niya habang nasa ganoon kaming posisyon. Tumatawa naman akong kumapit sa kanyang balikat habang nakatingin sa kanyang mga mata. Sa kanyang iniasta ay ramdam ko kung gaano ito kasaya sa naging resulta ng singing competition.

Sa sandaling pangyayaring iyon, hindi ko magawang magreklamo sa kanyang ginagawa. Feeling ko, napakasaya ko habang ginagawa niya iyon. Parang daig ko pa ang may jowa sa kanyang ginagawa. At dahil doon, parang tumigil ang mundo at oras. Ying tipong, kami lang dalawa ang nakakagalaw at malayang gawin ang mga bagay na gusto naming gawin. Ngunit, bigla akong natigilan sa pag-iisip ng biglaan kaming kantiyawan ng mga kaibigan namin.

Hidden Desires The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon