Chapter I: Reality of Present

181 9 7
                                        

CHAPTER 1
R e a l i t y  o f  P r e s e n t

2030 CE
Astarria's POV

“Hi, I am Mother Earth—”

Isang malakas na tinig ng babae ang bumulabog sa ‘kin sa kalagitnaan ng bagyo. Sa gitna ng malakas na hangin at ulan kasabay ng makapanindig balahibong kulog at kidlat, ay naroon ang isang babaeng nakatayo sa paanan ng kalbong bundok.

Hindi ko alam kung paano nangyaring nakikita ko ang bawat galaw niya sapagkat malayo ako sa kaniya. Sumasabay ang bawat patak ng ulan sa kaniyang mga luha.

“I was used to call as ‘nature’. Others call me ‘Mother Earth’. I am now 4,543,002,030 years old. I am about to turn five billion years old on the upcoming 456,997,970 years. I’m just hopeful that I can reach that age because as of now, I’m slowly losing my strength.”

Rinig na rinig ko rin ang kaniyang boses sa kabila ng malakas na bagyo. Maya't maya'y may biglang pumasok sa isip ko para humakbang papalapit sa kaniya.

“Maybe you are now wondering what’s the purpose of this. So here I go,” Aniya nang matagpuan ko na lang ang aking sarili sa harapan niya. Hindi ko alam kung paano pero nangyari na.

Napakagandang babae. Masasabi kong isang diyosa. Ngunit ang nakakabahala ay ang kaniyang matinding kalungkutan. Humakbang pa ako ng mas malapitan para makausap siya.
“I want you to know that I’ve given you all my life: my fresh air, my blue ocean and seas, my green land and my precious minerals. And now I am suffering. I was running out of breath. My life is running out of time. I am telling this to you to be an eye opener to every human being that you all abused me.”

Hindi ko alam pero tila nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Isang kirot na kakaiba sa pakiramdam. Isang pakiramdam na hindi agad mawawala.

“You all destroyed me. You have forsaken me for your whole life. I gave you what you needed, yet, I receive punishment in return—”

Dala ng matinding lungkot niya ay namuo rin ang mga luha ko sa aking mga mata na maaaring bumagsak anumang oras.

“No, that’s not what you’re thinking. I am not blaming you, I’m not. But as long as I’m still here, I want you to admit your mistakes. I want you to refuse in doing those things that can harm me more. I want you to promise that you will protect me—”

She held my hands.

“And save me from extinction.”

Sa isang iglap ay nawala siya na parang bula. Sinikap ko pang ilibot ang paningin ko sa paligid pero wala na siya. Tanging mga tubig ulan na lamang ang kasalo ko sa isang munting paraiso na unti-unti na ring nasisira.

At isang malakas na tunog ng sasakayan ang gumulantang sa ‘kin kaya nabitawan ko ang hawak kong ballpen at napatigil ako sa pagsusulat sa ginagawa kong nobela tungkol sa mundo. Tungkol ito sa pagkasira ng kalikasan at kung ano ang magiging buhay ng mga tao kapag namamatay na ang mundo.

“Astarria, anak. Stop writing na, nandito na tayo.”

Kinusot ko pa ng ilang beses ang mga mata ko at napadungaw sa bintana ng Philippine Airtrain 101. And yes, naka-landing na ito. We're indeed here at National Planetarium in Manila. Pinulot ko ang ballpen ko ‘tsaka iniligpit sa bag ko.

“Mga anak, bilis na. Get all your bags. Wala ni isang gamit ang matitira rito, okay?” Anunsyo pa ni Ms. Genevie habang ang mga classmates ko ay dali-daling bumaba ng  airtrain dala ang kanilang mga gamit.

Malala ang traffic sa kalsada ngayong taong 2030 kahit nagawa na ang mga nagtataasang skyways at underground passageways. Mabuti na lang ay mayroon ng Philippine Airtrain ngayon. Isa itong modernong train na maaaring lumipad sa ere. Sa limang minutong paglipad ng airtrain sa ere ay sa wakas, nakarating na kami sa National Planetarium.

Byr Series #1: Five Byr (Completed)Where stories live. Discover now